Hinalikan niya mo na ako sa noo. At umalis. Huminga ako ng malalim. Bakit ba ako nagkaganito? Dahil don kay William? Medyo kinakabahan ako baka siya yung maging dahilan kong bakit magkakasiraan ni Kim. Ayaw ko naman yon nu! Mahal na mahal ko yung love ko.

Umopo ako sa vacant seat. Tiningnan ko isa-isa ang mga classmates ko. Mukhang masusungit. At high standards. Hello! exclusive school to ang pinasukan mo Zaya. Kaya ganyan sila. Hinintay namin yung teacher na papasok sa aming classroom. 1 oras na rin kamong naghintay.

Habang naghihintay ako. Biglang sumulpot si Breah sa pintoan. Oo nga pala magkaklase kami. Oo kami lang ang magkaklase dahil iba-iba na ang strand ang kinuha ng iba naming kaibigan. Agad siyang umopo sa tabi ko. At seryuso ang mukha niya.

"Oh bat ngayon ka lang?" tingin ko sa mukha niyang nakasimangot."at bakit ka nakasimangot?"

"Eh sino namang hindi magsisimangot...eh hinintay kita sa hallway. Pero nandito ka lang pala...kanina pa ako naka tayo doon ansaket na ng binti ko." hinihingal pa siya sa dada niya at tinaasan ako ng kilay.

"Sorry Breah" yung lang ang nasagot ko.

"Haaayyyssss!" himinga lang siya ng malalim."you know what Zay!" bigla siyang sumigla at bumaling ulit siya sa akin. Kumunot naman ang noo ko? Anong nangyari sa isang to?"I saw William! classmate siya nila Louisse!" inalog-alog niya pa ako.

Di man lang ako nagulat dahil alam ko naman iyon. Napangiwi lang ako at umismid.

"I saw him kanina...may sinabi nga ang gago!" tamad kong sabi. At umirap sa kawalan.

"Then ano ang sabi niya?" parang excited pa tong si Breah ah? May boyfriend na ako! At loyal ako! Ang gwapo kaya ng boyfriend ko tas mag loloko ako.

Tamad kong tiningnan."Sabi niya na 'I'm here for a girl' that's all!" humikab ako.

"Baka ikaw yan!" kinikilig pa siya.

"Tssss...may BOYFRIEND na ako! Baka nakalimotan niyo!" bulaslas ko sa mukha niya. At may tumalsik na laway sa mukha niya. Natawa naman ako dahil napapikit siya.

"Ang ewwww mo naman Zaya! Grabi ka maka react eh joke lang naman!" at di mapinta ang mukha niya. Dahil natalsikan.

Humalakhak ako. Hahahhaa bahala ka jan. Kasalanan mo kaya ikaw mag punas! Pero natahimik naman kami ng dumating ang guro namin. Nagpakilala lang kami sa harapan. At iniwan kami agad. Binibigyan kami ng time upang makapag-tour sa campus.

Lumingon ako kay Breah na nakangisi habang pinagmasdan akong sinuot ang bag ko. Hala good mood siya. Kani-kanina lang napaka bad trip. Hala oo nga pala buntis hays. Sinapo ko ang noo ko.

"Zay let's goooo!" excited pa siya.

"Oo, tara" tamad akong lumakad. Habang siya naman ay panay pakilala sa mga boys.

Di talaga nag bago kahit may anak sa sinapupunan niya. Pinanood ko lang siya habang sinasabihan siya ng maganda. Nakipag-shake hands. Pero alam ko namang si Kuya talaga ang mahal niya. May nabuo nga diba? Hmmmm. pano kaya yun?

Hala bat ko iniisip ang ganyan? Bata pa kaya ako.

Naghiyawan ang mga boys. Dahil ang daming nagpapapicture kay Breah. Ang ganda naman kasi. Bakit ba ang daming nagpapapicture sa kanya eh di naman siya famous? Ewan ko ba napaka mysterious girl talaga nitong si Breah.

Napahinto ako kakaisip ng biglang may tumakip sa mata ko. I know who is this! A familiar scent! Lumingon ako sa likod ko. At di ko mapigilang mapayakap sa kanya.

Shet ang gwapo ng boyfriend ko! At nakita ko si Daisy sa likuran ko. Ngumiti at pumunta kay Breah. Sunod namang dumating si Ellie, Louisse.

Hinalikan niya ako sa noo."I miss your scent" ani niya.

"A fiona scent?" tumawa ako. Bumaling ako sa kaibigan ko."oh nasaan si Jiany at Reigna?"

"Kasama ang bago nilang kaibigan!" mataray na sabi ni Louise.

"Agad?!" di ako mapaniwala.

"Hays, hayaan mo na...anyways nakakamiss sila Joanna at Careanne! Bakit ba kasi sa UC si Careanne at si Joanna naman ay ayaw mag transfer?" tanong ni Ellie.

Naglalakad kami patungong canteen ngayon.

"Nagmamadali ka ba?" si Breah.

"Ha? Hindi naman" seryusong sagot nito.

"Edi tanongin mo!" tumawa si Breah mag-isa.

Hala may tupak ba to? Nang natigilan siya. Napatawa naman kami sa ekspresyon niya. Kaya nag-tawanan kami habang tinatahak ang daan patungong canteen.

Nakisali na rin si Kim sa tawanan namin. Habang nakakapit ako sa braso niya. At nakahawak naman siya sa beywang ko.

Nang makarating kami sa canteen. Malaki ito at ang daming upoan at lamesa. Agad kaming nakahanao ng pwesto at umopo.

"Stay with them, ako na ang o-oder para sa pagkain natin" presinta niya. Kumislap namana ng mga mata ng kaibigan ko."my treat!" ngumiti siya at tumalikod.

"Ayyy gusto kayong kasama Zay!" sabi ni Ellie.

"Shet libre! gusto ko araw-araw!" si Louisse.

"Sabihan mo yang si Kim na jollibee naman!" tumatawa pa si Breah.

Tiningnan ko si Daisy. Tahimik lang habanh nagse-cellphone. Magsasalita na sana ako. Nang bigla kong nahagip si Kim, nabunggo nong babae si Kim na may dalang sandae. At natapon ito sa damit ni Kim! Shet!

Napatayo ako. At walang pag-alinlangan na puntahan si Kim. Pumula naman ang pisngi nong babae at pinunas niya ang dibdib ni Kim ng kanyang panyo. Na natapunan.

Bigla naman akong nag salita.

"My gosh, love!" diniin ko yung love. Para malaman ng babae na may girlfriend na yung tao. Maganda siya, kaya nag seselos ako."are you alright?" tanong ko kay Kim at tiningnan ang damit niya.

"I'm very sorry!" panay punas niya pa rin sa damit ni Kim.

"No it's ok...it's ok!" ngumiti si Kim sa kanya.

Di man lang niya ako sinagot! Bwesit!

Ngumiti naman pabalik ang babae. Dahilan kong bakit nawala ang mata niya. May dimple rin siya sa gilid ng mukha niya.

"I'm Aleydis" naglahad siya ng kamay.

"Ahmm Kim" tinanggap ito ni Kim.

Ako naman ay nasa gilid lang ni Kim at tinaas ko ang kilay ko. Pero di man lang pinansin nong Aleydis na yon! Di ko mapigilan kaya umalis na ako at bumalik sa pwesto namin.

Hinaplos pa talaga ang kamay ni Kim nu? At gusto naman niya bwesit!

Your Childish GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang