May part sa akin na kinikilig kaya. Napangiti ako."Di na yon importante. Ang imoprtante ay ngayon"

Naiilang parin ako sa kanya. The he stare at me. At tsaka pag hinawakan niya ako. First time ko kayang magka boyfriend. Ganito pala ang feeling non? Ang sarap talaga sa feeling na mahal ka rin ng mahal mo.

Alam kaya ni Mamay ito? Hala tanongin ko kaya siya? Ayyy nakakahiya! Ano ba boypren ko na siya kaya pwedeng-pwede na akong mag approach sa kanya. Hays wait lang inhale, exhale. Hooo kaya ko to. Luh nakakabaliw talaga to.

"Ahm Kim...?" agad niya akong tiningnan.

Kumunot ang noo niya. Hala siya, galit ba siya?

"Galit ka ba?" mahinhin kong sabi. Kahit napaka ingay ng bibig ko. Oo bibig ko hahaha.

"Kim lang ba, ang tawag mo sa akin?" seryuso niyang tanong.

Napanganga naman ako habang nakatingin sa kanya. At kumurap-kurap.

Hala patay! anong endearment namin? Love? Lab? Langga? Ga? Babe? Baby? By? Napaka hasil naman ito! Hala kinakbahan ako. Kaya mo to Zay kaya mo ito.

Pinaypayan ko ang sarili ko. At huminga ng malalim. At tsaka tumingin ulit sa kanya. Na naka kunot parin ang noo.

"Ahm lab? Alam ba ni Mamay na nililigawan mo ako?" shet pinawisan ako ah. Kahit ang limig ng hangin.

Ngumiti siya ulit sa akin. At namula rin ang mukha.

"Ang cute mo kapag kiligan ka!" sabi ko.

"Mas cute ka, at maganda. Nasa sayo na ang lahat LAB!" may diin ang huli niyang sinabi.

Nagtawanan kaming dalawa. Para kaming mga baliw. Hinampas ko ang balikat niya. Dahil sa gigil.

"Seryuso na ito...alam ba ni Mamay?"

"Oo, matagal ko na itong plano. Nagpaalam ako sa kanya. Na wag kang papalabasin ng bahay. Papalabasin ka lang pag mag outing na tayo. Kasi AYAW KONG MAAGAW KA SA IBA!" sabi niya.

Nagulat naman ako. Kaya nahampas ko naman siya. Matamis niya akong nginitian at kumindat pa.

"Shet seryuso?" kinurot ko ang tagiliran niya."kaya di ako pinayagan ni Mamay gumala eh. Nabubulok ako sa bahay...dahil ayaw man lang niya ako pagalain!"

"Sorry for that love...from now on. Makaklabas kana KASAMA AKO"

"WHAT? are you my mother?" nilakasan ko ang boses ko.

"NO! I'm your boyfriend and also your mother HAHAHA!" hinawakan niya yung tiyan niya.

Banatan ko kaya to? himatayin talaga ito sa kilig hahahha. Assuming ko naman. Baka ako talaga ang mahimatay. Putek Zaya!

"No di ako papayag maging Nanay ka. Gusto ko akin ka, at na ang iba. Ikaw..ikaw na boyfriend ko. Boyfriend! hindi Nanay!" sabi ko sa mukha niya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now