Singapore Love 6: 2yrs Passed

8 1 0
                                    

2 yrs na ang nakalipas, marami na nagbago. Isang Branch Manager na ako dito sa amin. Yung ex ko close friend ko pa rin hanggang ngayon. Nahulugan sya nung binugbog sya ng bf nya noon. Sa tulong ng barkada kung pulis napakulong namin yung bf nya. Sinuyo nya ako pero kaibigan na lang talaga pagtinggin ko sa kanya.

Isang napakahabang dalawang taon pero yung babae sa Singapore pa rin laman ng puso. Minsan iniisip ko kung may clue ba dito sa bracelet kung paano ko sya mahanap. Ang hirap makaget over kapag nagmahal ng totoo. Bukas 2 yrs annivesary ng pagkakakilala namin. Napagpasyahan kung babalik ulit ako dun sa Hotel na yun. Doon ko na iiwan lahat ng memories namin kasama na ng bracelet na ito. "Goodnight" pag update ko sa fb acct ko .

  "Traveling to Singapore. Sana pagkatapos nito makapag move on na ako sa kanya". Pag update ko ulit sa fb bago ang flight. Nakarating na ako ng 5star hotel. Nagpahinga muna ako sa room na kinuha ko. Dito sa Hotel na ito nangyari lahat at dito ko na rin iiwan lahat. "Gabi na, kailangan ko ng pumunta ng Garden Restaurant. Sana makayanan ko ito"

  Kagaya dati nag order ako ng wine. Maraming magkasintahan ang nandun. Nakakaingit sila. Ako, mag isa lamang kasama ang bracelet ng aking minamahal. Nag request ako ng song sa live band. Mamaya na daw nila kakantahin kasi may mga nauna pang request.

  Nag update na lang ako ng status ko sa fb. "Here at Garden Restaurant hoping to erase all memories". Uminom ng wine at tumingin lang sa mga bituin. Hindi namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Singapore LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz