A.K.A.L.A

66 5 0
                                    

"Hello." Bati mo sakin nung grade 1 pa tayo. Ang saya ko nun kasi napansin mo rin ako sa wakas! Pero nalungkot ako nung lumipat ka ng school nung grade 2 hanggang grade 4. Akala ko pa naman ang kaibigan ay di nang-iiwan. Ang lungkot ko nun. Kasi nung grade 1 tayo lagi tayong naglalaro, pero nung lumipat ka wala na akong kalaro...

"Uy, AJ, may bago daw tayong classmate." Wala na akong paki kung meron man kaming bagong classmate. Halos taon-taon naman kasi kami nagkakaroon ng new student eh.

"So." Sinungitan ko na lang yung classmate ko. Pero nagulat na lang ako ng ikaw pala yung new student namin. Nilapitan kita para magpakilala, ulit "Uy, Lyon." Pag-approach ko sayo nun. Natatandaan ko nagulat ka pa kasi alam ko kung ano pangalan mo.

Ngumiti ka ng napaka-bitter sakin. Natawa na lang ako sayo nun. Tinali ko yung buhok ko, dinivide ko sa dalawa, double ponytail. Ngumiti ako sayo, nagbabakasakaling maalala mo ulit ako. "Jane? Jane! Ikaw nga!" Mas nagulat ka pa nung nakilala mo ulit ako. Tuwang tuwa ako nun, kasi sa wakas nakilala mo na ulit ako.

Naging classmate kita hanggang high school, siguro dahil pantay lang tayo ng talino. At ngayon naman 4th year high school na tayo. Andaming nagbago sayo, para ka ng bad boy, nagkahikaw ka na sa kaliwang tainga mo, andami mong kasama na babae. Ewan ko kung ano na nangyayari sayo. Pero, ba't ganun. Akala ko pag nagbago ka na hindi na kita gusto, pero anong magagawa ko? Gusto pa rin kita.

"Jane.." Nagulat ako dahil hinawakan mo yung kamay ko. "Samahan mo muna ako sa bahay, umalis sila mama, wala sila ng tatlong buwan." Hindi talaga nakakaawa yung boses mo o yung mukha mo man lang. Pero parang automatic na lang na pumayag ako sa sinabi mo.

Sa tatlong buwan na yun, inalagaan kita na para ba akong babysitter. Sabay na rin tayo pumasok nun. Minsan piunaglulutuan pa kita ng favorite mong sinigang. Masayang masaya ako nun, kasi for once akala ko naging tayo. Nakasuot ako ng MASAYANG ngiti, pero bigla yun naglaho ng may sinabi ka sakin..

"Maraming salamat. Kahit wala man akong may ipapalit sayo, napatunayan mo naman na isa kang tunay na.. best friend ko." Alam kong bukas ay babalik na ang parents mo kaya mo sinabi yan. Ngumiti na lang ako ng pilit. Ano nga bang ina-akala ko at akala ko, for once naging tayo. Tss..

Bago pa ako umalis may binigay ka pa sakin na mas nakasakit sa damdamin ko. Isang yakap, mula sa isang kaibigan. Gustong gusto ko umiyak sa dibdib mo nun, pero wala eh. Nakakahiya naman sayo. Parang mga bilanggo ang mga luha kong nakawala nang makalabas na ako ng bahay ninyo. Masakit, alam mo yun. Andami ko nang ginawa para malaman mo lang na may gusto ako sayo. Pero wa-effect. Manhid mo, ang tanga mo para di mo malaman na gusto kita at mahal na kita..

Nalalate na ako lagi ng pasok. Sinasadya ko naman, para lang hindi tayo magkasabay. Alam nyo ba yung move on? Dati wala akong alam tungkol dun. Pero ngayon usong uso na sakin ngayon yun. Lagi na nga kitang iniiwasan para mawala na 'tong nararamdaman ko sayo.

Isang araw, hindi ko talaga inaasahan na uulan pala. Shet lang, andito pa ako sa labas ng school nakatayo. Ewan ko kung bakit, pero parang glue ang bawat patak ng ulan dahil hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Siguro dahil pagod na rin ang katawan ko, pinipilit ko pa rin. Lumipas ang ilang minuto akala ko pinayungan mo ako. Mali pala ako, huminto na pala ang ulan. Ang bobo ko naman, sa mga pop fictions lang nga pala nangyayari yun.

Anu pa nga bang kakalabasan ng pagbabasa sa ulan? Lagnat. Lagnat ang inabot ko, pero kahit may sakit ako. Go pa rin sa pasok! Heart broken nga ako sayo dati pero nakayanan ko pa ring pumasok, lagnat pa kaya? "Jane!" Sigaw mo ng pangalan ko. Bakit kaialangan isigaw, ano 'to binggi lang ako? Nakakainis ka talaga. Hindi ko alama kung saan ako pupunta pero napadpad na lang ako sa school garden ng school. "Jane." Mali pala ang akala ko, nasundan mo ako ngayon.

"Anong problema?" Nagtanong ka pa sakin. "Wala." Tipid kong sagot sayo. Pero bigla mo na lang hinawakan yung braso ko nung papaalis na ako. Ayoko ng ganito, lalao na kung may sakit pa ako. "Sabihin mo na." Pagmamakaawa mo. Gusto nyang malaman, sasabihin ko sa kanya. Pero hindi dahil nakakaawa sya, dahil sa naaawa na ako sa sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Gusto kita Lyon. Ba't hindi mo alam yun?! Ang sarap basagin ng mukha mo! Dahil napaka manhid mo! Manhid ka! Akala ko pa naman napagtanto na ng isip mo na gusto kita! Ba't kasi ikaw yung nagustuhan ko eh! Akala ko pa naman na ganun din yung nararamdaman mo sakin. Pero, tanga ako diba. Sa fairytale nga lang pala nangyayari yun! Ang manhid mo kasi!" GULAT. Yan lang masasabi ko sa itsura ni Lyon. Iniwanan ko na sya na tumutulo ang luha ko. Susundan nya kaya ako? Hindi siguro.

Akala ko pa naman susundan nya ako, nagtanong sya eh. Akala ko may pake ka kaya ka nagtanong. Akala ko pa naman gusto mo ring mag-confess.Ang galing lang ako pa talaga ang unang nag-confess. Eh sa akala ko kasi may gusto ka rin skain eh. Walangyang akalang yan. Puro akala lang pala.

Ako si Alexis Jane a.k.a. AJ nagkagusto kay kay Lyon James. Akala ko nagkagusto dn sya sakin, wala pala. Akala lang pala ang lahat.

-Fin

AKALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon