LDR written by SOJU

Start from the beginning
                                    

"Pero maingay pag may videoke bar!" nakalabi kong sabi.

"Eh, di gagawin nating sound proof iyong videoke bar..."

"Sige na nga. Saka iyong dream house natin, ha. Gusto ko, 'yong design na pinakita ko sa iyo dati. Naalala mo pa iyon?"

Tumango siya. "Oo naman... Naaalala ko pa. Oops, teka lang, mahal!" aniya. Tumayo siya at pinilas niya iyon kalendaryo na nasa likuran niya.

Kung kanina ay October 4 ang nakalagay doon ngayon ay October 5 na.

Napapailing na lang ako nang bumalik siya sa harapan ng computer. "Hay naku, napaka-importante talaga sa iyo ng pagpapalit ng date sa kalendaryo. Hobby mo na iyan, 'no?"

"Eh, midnight na kasi dito sa Canada kaya pinilas ko na. Isa pa... Bawat araw kasi ay importante sa akin. Tulad ng araw na nagkakilala tayo..." aniya na ikinangiti ko ng sobra.

Sa sinabing iyon ni Lemeul ay bigla kong naalala kung paanong naging kami. Four years ago, nasa isang coffee shop ako. Umiiyak dahil kaka-break lang namin ng first boyfriend ko. Nahuli ko kasi siya na kahalikan ang bestfriend kong bisexual din na tulad ko. That time, ay alam na ng family ko na bisexual ako. I must say na gay ako kasi hindi na ako nagkakagusto sa babae. Pero hitsura at kilos lalaki pa rin ako. Not that moment dahil para akong babaeng iniwan ng boyfriend! Wala na akong pakialam sa mga taong nanonood basta iyak lang ako ng iyak.

Tapos paglabas ko ng coffee shop para umuwi, humarang sa akin si Lemeul. Stranger siya kaya di ko siya pinansin kahit na ang gwapo-gwapo niya. Sinabi niyang nakita niya akong umiiyak. Tinarayan ko siya. Nag-offer siya ng panyo pero hindi ko tinanggap. Umalis na ako at iniwan siya. The next day, nagulat ako nang makita siya sa bahay namin. Siya pala ang kinuhang personal nurse ng daddy ko. Noon pa man, kahit mayaman si Lemeul ay mas gusto nitong kumita ng pera sa sarili nitong pawis.

Nagkapalagayan kami ng loob at naging magkaibigan. Kahit na nag-resign na siya as nurse ni daddy ay tuloy-tuloy pa rin ang pagiging magkaibigan namin. I like him dahil kahit alam niyang bisexual ako ay hindi siya umiiwas sa akin. Hanggang sa naging madalang na ang pagkikita namin. Iyon pala, busy sa bago niyang girlfriend. Hanggang sa ma-realize ko na mahal ko na siya dahil sa nasasaktan ako kaag hindi natutuloy ang lakad namin dahil sa jowa niya! Nag-confess ako sa kanya isang gabi. Lasing kami. After my confession, may nangyari. Oo na! Sinamantala ko ang pagkalasing niya! Ha ha ha!

Buong akala ko friendship over na kami after that pero hindi. Mas naging sweet si Lemeul sa akin hanggang sa aminin niya sa akin na mahal na rin niya ako. Inamin na rin namin sa family niya ang relasyon namin. Mabuti na lamang at tinanggap ng family ni Lemeul kung ano siya... And the rest is history!

-----88888-----

KINABUKASAN ay excited akong nag-open ng Skype para hintayin ang pag-oonline ni Lemeul. Ganitong oras kasi ang uwi niya kaya alam ko maya-maya ay magkaka-chat na naman kami. Pero lumipas lang ang mahigit isang oras nang walang Lemeul na nag-online.

Bahagya akong nabahala at nalungkot dahil sa ngayon lang ito nangyari. Kinuha ko agad ang aking cellphone upang itext siya kung bakit hindi siya nag-online. Nag-iwan din ako ng offline message para sa kanya. Sinabi ko doon na nagtatampo ako sa kanya.

-----88888-----

NANG sumunod na araw ay nagulat ako nang bisitahin ako ni ng panganay na kapatid na babae ni Lemeul-si Ate Lovely. "Ate Lovely, kumusta na? Akala ko nasa Canada ka?" tanong ko habang nag-uusap kami sa salas. Siya kasi ang kasama ni Lemeul sa Canada.

"Okey lang ako. Bakasyon lang ako ngayon, Henry." Ngumiti siya. "Ikaw kumusta?"

"I'm okey... Oo nga pala, ate, bakit hindi nag-online si Lemeul kahapon? Anong drama no'n?"

LDR (One-shot Story/ BoyXBoy)Where stories live. Discover now