Black Notebook

23 3 1
                                        

Isang gabi si Mark ay naglalakad sa medyo madilim ng kalsada gabi na kasi. Di naman nakakatakot kasi marami naman siyang kasabayang estudyante na naglalakad. Ganun kasi talaga ang schedule nila sa Eiree High papasok sila ng 12nn at aawas o uuwi ng 7pm.

Kinabukasan pumasok si Mark ng medyo maaga. Pagdating nila sa classroom nagsoundtrip muna siya since maaga pa naman at wala pa yung teacher nila. Umub-ob na lang siya sa desk niya at tahimik na nakinig sa music.

Maya maya biglang may kumulbit sa kanya. Syempre tinignan niya kung sino iyon at nagtaka naman siya ng makita ang medyo inis na mukha ng president nila sa kanilang room.

Mark POV

"Hoy parelax relax ka lang dyan para sabihin ko po sayo "Boss" cleaner ka ngayon at hindi dadating si Mam na first subject natin kaya maglinis na lang daw tayo at ayusin yung mga nakalagay sa bookshelf"

President namin yon so no choice kung di sundin. Tumayo ako at lumapit don sa bookshelf na nasa may parteng likod ng room.

Habang naglilinis ako at nag aayos nung mga libro. May biglang lumaglag na kulay itim na notebook dahil sa curiosity sinimot ko yun at tinignan. Bubuklatin ko na sana ng...

"Hoooyyy bakit mo pinapakialaman yaaann" biglang bulong ng kung sino sa may bandang tenga ko. Sa gulat medyo napatalon ako at ewan ko pero nagsitayuan ang balahibo ko.

Pagtingin ko naman yun lang palang magaslaw naming kaklase na mahilig mangtrip.

"Ano ba yan?" Tanong niya sabay hablot dun sa notebook.

"Aiissshh wala naman palang sulat to ehh" dismayadong sabi niya. At ibinalik sa akin yung notebook. Pagkakuha ko ng notebook mula sakanya binuklat ko din at tinignan. Psh wala ngang sulat. Since wala naman pala kong makikitang kung ano man sa notebook binalik ko na lang ito sa shelf at tinapos ko ang paglilinis ko.

*fast forwrard*

"Ma andito na po ako" sigaw ko pagdating ko ng bahay.

Mama ko na lang ang kasama ko sa buhay at dito kami nakatira sa isang paupahang bahay. Maliit lang siya pero ok lang kasi dadalawa lang naman kami ni mama na nakatira.

Kumain muna ako at pumasok na sa kwarto ko para gumawa ng assignments ko. Pagbukas ko ng bag ko may nakita akong isang pamilyar na bagay pero alam kong hindi akin.

Binaliktad ko yung bag ko habang nakabukas para lumabas lahat ng laman nito. Nalaglag na nga lahat ng laman nito at kasama dito yung isang misteryosong bagay.

"Teka ito yung black notebook ahh"bulong ko.

Binuklat ko yung black notebook para siguraduhin kung ito nga yung nakita ko sa room namin. Pagbuklat ko wala itong sulat kaya malamang ito nga yun. Sinusuri ko yung unang pahina nung notebook ng biglang may mga lumitaw na kataga. Kaya naitapon ko yung notebook at napunta ito sa sahig pero nanatili itong nakabukas sa unang pahina.

MY DEAREST DIARY

Nakasulat ito ng calligraphy at halatang sulat kamay ng isang babae. Nang makabawi sa gulat pinulot ko ang notebook at tinignan. Ng buklatin ko ng mabilisan ang lahat ng pahina nakita kong punong puno na ito ng sulat.

Ika-13 ng Nobyembre taon 1920
Dear Diary,
Angsaya ko ngayon kasi nakita ko na naman ang akimg hinahangaan na kaygwapo at kaykisig. Sobrang saya-----

Hindi ko na tinapos tss boring. Pinatong ko yung notebook dun sa table na maliit sa tabi ng kama ko. Dumapa ako at ginawa ko ang assignment ko.

*wooossshhh*

Biglang humangin ng malakas at napatingin ako sa bintana ng kwarto ko. Nalimutan ko palang isara.

Pabalik na ko sa kama ko ng mapansin kong nakabuklat yung black notebook. Lumapit ako at akmang sasaraduhan na ng parang may biglang bumulong sakin na nagsasabing basahin ko.

Ika-15 ng Pebrero taong 1921
Dear Diary,
Kaarawan ko ngayon at sinagot ko na ang aking manliligaw na dati lamang ay aking hinahangaan. Napakasaya ko kasi isipin mo naman diary kami na talaga. Dahil don nagdiwang kami kanina ng magkasama at masaya kasama ang kanyang mga kaibigan.

Bigla na naman humangin ng malakas. Nagtaka ako syempre kasasara ko pa lang ng bintana. Pero pinabayaan ko na lang dala na din ng kuryosidad.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Pero may hindi inaasahang pangyayari, ang aking sinisinta ay nalasing ng sobra at may nangyaring hindi maganda...

Humangin na naman and this time napakalakas na at di ko kinaya kaya nilipad yung notebook.

"Pagkatapos non pinagsamantalahan nila ako at pinatay"bulong ng isang tinig sa aking tainga."Waaahhhhhh"sigaw ng tinig sa isang galit na galit at nakakakilabot na tono sa aking tainga dahil sa pagkabigla at sa gulat na rin umatras ako at napatumba kaya napatama ang ulo ko sa may mesa. At ang lahat ay nagdilim na.

Paggising ko nasa sahig pa din ako at kitang kita ko ang kalat nung ilang nalipad na magagaang gamit. Kaya malamang na hindi yon panaginip.

Pero...pero sino nga ba yung babae?

Napatingin ako dun sa parteng natatandaan kong pinagtalsikan nung notebook nang humangin nang malakas.

Nandoon pa din yon at nakabukas sa isang pahina na may nakadikit na litrato. Hindi ko to kinuha at tinignan ko lang yung litrato mula sa medyo malayo pero kitang kita ko pa din nang ayos.

Pagtingin ko sa litrato isa itong babae. Babaeng maganda,sobrang ganda.

Pero habang tinitignan ko ito at sinusuri bigla itong nagbago at may pinakitang pangyayari.

Nirerape yung babae tapos nanglaban yung babae kaya naman sinakal sya nung isa sa mga lalaki na naging dahilan ng kanyang pagkamatay pero kahit wala na syang buhay patuloy pa rin syang pinagsamantalahan ng mga lalaki.

Lumipat sa sunod na pahina yung libro. At may lumitaw na mga sulat.

Kita mo na ganyan sila kawalang konsensya, ganyan kayong mga lalaki kawalang konsenya kaya ngayon...

Bigla na namang humangin at may bumulong sakin.

"Kaya ngayon maghihiganti ako wuahahhahah"

"Sino ka ba? Ano bang kasalanan ko sayo bakit pati ako nadadamay sa kasalanan ng mga lalaking yon"tapang tapangan sabi ko kahit sa totoo lang kinakabahan ako.

"Ako?Gusto mong malaman kung sino ako? Wuahahahhaha"

Nahagip ng mata ko ang notebook kitang kita ko ang isang kamay na unti unting umaahon mula dito para itong umaahon sa isang hukay.

Third Person POV
Lumabas ang isang babae mula sa black notebook ito ay nakaitim at natatakluban ng mahaba nitong buhok ang mukha.

Ang reaksyon ni Mark ay magkahalong gulat at takot habang nakaupo sa sahig at umaatras. Dali dali syang tumayo at dagliang kinuha ang notebook at nagtatakbo palabas.

Pumunta kaagad sya sa drawer nila sa salas at kinuha ang isang lighter at sa labas ng bahay nila sinunog nya ang notebook.

Ngunit.....

To be continue

A/N:hehe tagal na nung huli akong mag update pero di ko pa din natapos hahah sorry tamad si author 😅

Collection of Short Horror StoriesHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora