43 - IM (Holy Week 🙈🙈)

Magsimula sa umpisa
                                    

Dumating din naman kami dun sa resto after a while. Nagkwentuhan lang naman yung magti-Tito, mostly yung mga bata about sa schools nila at nakinig lang ako. Mas nakilala ko sila. Si Gab halatang outgoing--mahilig sa sports at anime at extrovert. Si Ton naman mukhang kabaligtaran na more on reading books ang gusto at may pagkaintrovert. Bago kami dumating sa resto, ang pinag-uusapan na nung magkapatid is yung pagkakaparehas ng Naruto at Harry Potter.

Di ko naman napansin yung pinuntahan namin. Ngayon lang ako nakapunta dito. Ang ganda.

"Usually nagke-cater sila ng events dito. Like mga wedding." Pag-explain naman ni Mark.

"Ang ganda." Sabi ko naman.

"Gusto mo dito na lang reception natin?" Bigla namang tanong ni Mark.

Pinalo ko naman siya.

"Kasal ba yan? So kelan ba?" Bigla namang may sumingit. Yung kuya pala ni Mark.

"Wala Kuya Don, di pa ko nakapag-propose." Sabi naman ni Mark na halatang nakiki-ride na sa kuya niya.

"Ang bagal mo naman. Ilang months na ba kayo? 2? Magpropose ka na!" Sabi naman niya.

Tumawa naman si Mark.

"Etong si Kuya nagpropose kasi kay Ate Cza 2 weeks pa lang after maging sila." Sabi naman niya.

Nakangiti naman Kuya niya. "Best decision of my life." Sabi pa nito. "So kelan na?"

"Nako, Don, tigilan mo yung mga bata. Igagaya mo pa sayo." Sabi naman ni Ate Cza na lumapit na din sa'min kasama ni Leo.

"Bata ka diyan. Matatanda na yan." Sabi naman ni Kuya Don. "And anyway, you did say Yes to me."

"Moment of insanity." Sabi naman ni Ate Cza. Natawa naman kami parehas ni Mark.

Maya-maya rin lang nakapagpark na din sila Kuya Martin at pumasok na kaming lahat dun sa resto.

Maya-maya rin lang nakapagpark na din sila Kuya Martin at pumasok na kaming lahat dun sa resto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

Mukhang nagpa-reserve na dito sila Tito Lando kasi pagpasok namin, ni-lead na kagad kami sa isang long table sa left side nung restaurant. Nagsiupuan naman na kami at nakakatawa si Ton at Gab kasi nag-uunahan sila na makatabi ni Mark. Mukhang namiss nila ang Tito nila. In the end, si Gab ang nakatabi kay Mark. Nagsuggest ako na igitna na lang namin ni Mark si Ton pero parang nahiya naman sa akin si Ton at tumabi na lang sa kabilang side ng kuya niya.

Yung mga lawyers, si Tito Lando at yung mga kuya ni Mark, nagstart naman na mag-usap about politics, while si Tita Ella tumawag na ng waiter.

Binigyan kami ng menu at pinasahan ako ni Tita Ella ng isa. Yung mga kalalakihan, busy pa rin sa usapan nila at mukhang ipapaubaya na sa mga asawa nila yung food nila.

"Anong gusto mo, Nicz?" Tanong naman sa'kin ni Tita Ella.

"Kahit ano naman po." Sabi ko naman.

"Love, may Lapu-lapu de la Reyna oh." Sabi naman sa'kin ni Mark. "She likes that, mom." Sabi naman niya kay Tita.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon