Nitong mga nagdaang araw napapansin ko ang pagiging busy ng asawa ko, ako lang ba ang nag-iisip na parang nanlalamig na siya?
Minsam naisip ko, mahalaga paba ako sa kanya?
Isa siyang designer sa isang company, kaya naman naiintindihan ko kung bakit palagi siyang busy pero hindi ko maiawasang masaktan kapag binabalewala niya ako, lalo na kapag magkasama kami puro trabaho nalang kasi ang nasa isip niya. nawawalan na siya ng time para sakin, para samin.
Hindi na niya ako madalas kinakausap at palagi rin siyang umaalis sa bahay kahit araw ng linggo. palagi rin siyang naiinis kapag lalapit ako sa kanya at madalas kung napapansin ang makakapal niyang lipstic sa tuwing aalis siya.
Malapit ng umuwi ang asawa ko kaya
Naisip kong lokohin siya, napapangiti ako habang gumagawa ng sulat. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nabasa niya ito?
Pumasok ako sa kwarto namin at iniwan ang sulat sa ibabaw ng table, nagtago ako sa ilalim ng kama namin habang hinihintay siyang makauwi.
Dear Honey.
Umalis na ako ng bahay, ayuko na ng ganito, hindi kona kayang pakisamahan ka.
Sa ilang minutong paghihintay sa wakas ay dumating na ang asawa ko, pagpasok niya sa kawarto ay nakita niya ang sulat sa table at binasa niya ito.
Napapangiti ako habang tinitingnan ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang wala na ako sa bahay.
pero ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng takot. Nakita ko ang paglawak ng kanyang ngiti at may tinawagan
Hello baby!
bakas sa boses nito ang sobrang kaligayahan.
May Good news ako sayo baby! umalis na ang asawa ko, sa wakas nagsawa narin siya. Kita tayo ngayon I love you. Paalis na ako.
Nakitang kong may isinulat siya sa papel bago tuloyang umalis.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, subrang sakit hindi ko akalain na magagawa niya ito! Kasabay ng pagguhit ng kirot sa dibdib ko ay sabay kumawala ang mga luha sa mata ko.
Hiniling na sana hindi totoo ang lahat.
Lumabas ako sa ilalim ng kama at laabas na sana ng mapansin ko ang papel na sinulatan niya.
Dear honey.
Lumabas kana jan, nakita ko ang dulo ng paa mo. Aalis lang ako sandali para mamalingke.
I love you honey.
Kasabay ng pagngiti ay ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng luha sa aking mga mata.
End
ESTÁS LEYENDO
I wrote a letter
Historia CortaSumulat ako sa asawa ko! hindi ko akalain na ako ang maloloko
