Dami sinasabi, your such a pervert. Sabi ni sensible side ng amoy-amoyin ko ang unan nya.

     Pinadalhan nya din ako ng damit kay Sena na nakairap na inabot ng babae sa akin. Ang tagal ko pa tinitigan iyon ng ilapag ko sa kama dahil pambabae ang pinadala nya damit.

     In the end pinakialaman ko iyong cabinet nya at kumuha doon ng pinaka simple t-shirt at pantalon. Hindi ako pwede magdamit pambabae, kailangan maging handa ako sa bawat oras. Kaya naman ng lumabas ako sa silid ng umaga iyon nakatutok kaagad ang tingin nya sa akin kahit nakikipag-usap sya kina Pedro.

     Mabagal nya ako pinasadahan mula ulo hanggang paa. All the time para ako sinisilihan. There’s a hint of heat on his eyes habang ginagawa iyon.

     Hindi ko pinansinsin ang titig nya. Wala naman din sya tanong kung bakit damit nya ang suot ko. Kahit sina Tanya at Sena tinignan lang ako at wala sinabi regarding doon. Inutusan lang ako ni Tanya na kumuha ng almusal nila.

      Ngayon nga andito kami sa labas. Sa maganda at magara patio sa may gilid ng mansyon.

      Malayo ako dahil iyon ang utos ni Tanya. Ayaw nya marinig ko ang usapan. At wala naman ako plano makinig. Tumitiyempo lang ako na mapag-isa si Erick para makausap ko sya.

     Ilang minuto pa nakita ko tumingin sya sa akin kaya naman mabilis ako lumapit sa kanya.

     “Raye.” Puno ng pag-aalala na sabi ni Erick.

      “Papasok ako ng opisina mamaya.”

     “Ano? Akala ko gabi-.”

     “Wala na oras, sina Drigo, hindi ko alam kung ano pakay nila dito. Ayoko ng alamin. Kailangan natin makuha  ang titulo at makaalos dito.” May kutob ako na may kinalaman din sa Talampas Nayon ang pakay nila.

      “Kung ganon tatawagin ko na ang mandi-,”

      “Hindi Erick. Hindi na natin sila uutusan na abangan tayo sa entrada. Hintayin mo ako sa bukana ng mga alas-tres ng hapon. Tayo dalawa ang magdadala ng titulo sa Talampas Nayon.” Narinig ko aalis si Hipolito ng ala-una. Iyon ang kukunin ko pagkakataon, para pumuslit at makuha ang titulo.

     “Mapanganib Raye.”

      Tinaasan ko sya ng isang kilay. “Ako pa ba?” sabi ko na kinatawa nya, tumawa na din ako.

     “Hihilingin ko sa Bathala na magtagumpay tayo Raye.”

      “Magtatagumpay tayo Erick, para sa tribo Haghari.” Nginitian ko sya. Wala sa loob na napattingin ako sa pwesto nina Drigo, nahuli ko sya nakatingin sakin.

      Hindi sya gumawa ng paraan para iiwas ang tingin ng mahuli ko sya.
Salubong ang kanya kilay habang nakatitig sa gawi namin ni Erick.

      Anong problema nya?

      Nagtatanong ka pa? Malamang nakikipagkwentuhan ka, imbes na pinagsisilbihan sila. -sensible side.

       Sabi kasi ni Tanya huwag ako lumapit paano ko sila pagsisilbihan kung malayo ako. Katwiran ko.

       “Sige na, magkita na lang tayo sa bukana.”

      Tinapik nya ako sa balikat, saka umalis sa harap ko.

      Nang muli ako tumingin kay Drigo talagang salubong na ang kilay nya. Sa katunayan nga hindi na nya pinapansin ang nagsasalita si Hipolito na nakatalikod sa gawi ko. Napabilis tuloy ang lapit ko sa kanila. Di ko pinansin ang pagtutol sa mga mata ni Tanya na nasa tabi ng binata.

DayoWhere stories live. Discover now