Part 1- The Start

7 0 0
                                        

     Hi. My name is Rey Jan and may scoliosis ako sa balikat ko. Ang scoliosis ay yung spine mo ay magcuvurve. Hindi ko akalain na may ganito ako sa katawan ko and this scoliosis is not in my back, nasa balikat ko yung scoliosis.
       Nagsimula ito nung napansin ko yung I.D. picture ko nung grade 7 na parang hindi pantay yung balikat ko. Then I asked my father. "Pa, tingnan mo ako sa I.D. picture ko, di pantay balikat ko." At tiningnan lang ito ng aking ama at sinabihan ako na wala lang ito baka yung pagkaposition ko nung pinicturan ako. Ganun din ang sabi ni mama at naninawala naman ako sa kanila, syempre sabi nga nila na "Mother knows best" diba? So ayun, habang tumatagal di ko na napansin na lumalaki pala ito. Kaya di ko napansin dahilan sa sugat ko sa paa na napakatagal nawala at nahihirapan ako sa paglalakad nito. Kaya inuna ko muna yung paa ko kesa balikat ko. Ang tagal nawala nang sugat ko nun, mga 7 months yun bago nawala yung sugat. Pumasok ako sa paaralan na nakatsinelas lang dahil nga sa sugat sa paa ko. Pagkatapos ko ng Grade 7 ay sumama ako kina mama sa isang city kung saan magtatrabaho sila mama at papa. Tumira kami sa bahay ng pinsan ng aking ina. Dito na rin ako nag aral ng Grade 8.

 A Boy That Had An Scoliosis Stories to obsess over. Discover now