Katapusan
Paano ko ba ito sisimulan
Sa masayang paraan?
Sa masakit nating hiwalayan?
O sa mapait nating katapusan?
Sinabi mo ang sampung letra,
Binigkas mo ang mahal kita,
Naramdaman ko ang mga salita,
Kita ang kilig sa iyong mukha.
Tayong dalawa ay magkaiba
Ika'y langit, ako'y lupa
Alam ko na di tayo magkatugma,
Pero sa puso tayo'y itinadhana.
Isang araw tayo'y nag usap,
D
ating kislap di ko na mahagilap,
Sabi mo iba tayo ng pinapangarap,
Akala ko totoo, ikaw pala ay
nag panggap.
Magtatanong ulit ako sayo sinta
Paano't saan ako magsisimula?
Napaisip ako nang mataimtim sabay napaluha
Wala pala tayong sisimulan kasi lahat ng ito'y puro katapusan.
___
Nasulat ko to nong natapos ko nang basahin ang 2 novel ni Dr. Jose P. Rizal. Nakakatouch kasi ang story. At prenesent ko din to sa school. Marami naman ding natuwa. Hehe ❤
YOU ARE READING
Unspoken Words (Tagalog&English)
PoetryI can't say the words infront of you. So why not write and wait until you notice. Im sad.
