19 - My Last Night With You

Start from the beginning
                                    

It was an on and off relationship for three years.... until it finally ended...

When a certain David came into Glaiza's life ...

—————-



September 7, 2018

Dumating si David Rainey sa Pilipinas. Ito ang simula ng exposure nito sa press at sa mga taong nakapaligid kay Glaiza. Ang game plan: magpapanggap itong masugid na manliligaw ni Glaiza. Sasama ito sa mga events. GMA will then highlight about this guy in their entertainment news. Gagamitin ang lahat ng platform para mas maging epektibo ang balita: ang GMA News, GMA Network, GMA Drama, GMA Artist Center, 24 Oras, Inquirer at maging ang PEP na subsidiary ng Inquirer. With all these platforms, mas malawak ang mararating na reader at audience. Mas marami ang maniniwala sa madla na boyfriend nga ito ni Glaiza. The rumor about her sexuality will eventually die down...

Pero may kapalit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Pero may kapalit. There is no free in this world. This is a big show that may even involve David's family. Kaya naman... may renumeration si David sa gagawin nitong cooperation. And the expenses shall be covered by the management. All other expenses that are not part of the contract shall be borne by Glaiza.

Bilang inaalagaang actress ng GMA Talent Center ay tungkulin ng mother network nito na linisin ang pangalan ni Glaiza. Sila ang naglagay sa ganitong kalagayan kay Glaiza dahil sa soap na The Rich Man's Daughter. Kaya naman responsibilidad din nila na tulungan ito para maging maganda ang image sa tao.

Bilang artista ay alam ni Rhian na isa ito sa paraan para linisin ang pangalan ng isang talent na inaalagaan ng network. Mas rampant pa nga ang ganitong klase ng pamamaraan sa kabilang network. Hindi nga ba may mga loveteams ang kabilang network na ginagastusan ang pagbiyahe sa ibang bansa ng mga nagkukunwaring couple para mas kapani-paniwala sa public na may relasyon sila?

May isang blind item nga noon tungkol sa isang aktres na nagtungo sa Japan kasama ang "boyfriend" nito na isa ring aktor. Pagdating sa Japan ay nag picture taking lang para may mai-post sa social media. Pero pagkatapos ay nagkanya-kanya na sila ng lakad sa Japan... nagkikita lang for photo ops, at maghihiwalay muli... at magkikitang muli sa airport kapag pauwi na...

Hindi siya sang-ayon sa planong ito. And she made it clear to Glaiza about her disapproval. Ayaw niya ng ganito! Pero ano ang magagawa niya? Management na mismo ng girlfriend niya ang nagplano. Hindi siya pwedeng tumutol dito publicly o pigilin ang management ni Glaiza dahil kapag ginawa niya iyon, parang confirmation na rin na mayroon silang relasyon... at isa pa, ang Talent Center na may hawak kay Glaiza ay nasa ilalim din ng GMA Network kung saan siya nagtatrabaho...

She was helpless... she's ready... but Glaiza was not... all she needed was for Glaiza to stand on her ground... pero hindi nangyari iyon... dahil sa limitasyon...

Kaya...nagtiwala na lang siya sa pagmamahal nito sa kanya... umasa na magiging maayos din ang lahat at malalampasan ang pagsubok sa pagitan nilang dalawa...


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SoulmatesWhere stories live. Discover now