Chapter 1 (Ang transfer)

24.4K 292 4
                                    

Lupe's pov:

Anak ng pating!..Male-late na naman ako nito eh. Kung bakit naman kasi ngayon pa nasira ang tiyan ko! Sana lang di ako ''magkalat'' mamya sa school. First week pa lang ng pasukan magkaka absent na agad ako!..Buti na lang mabilis magmaneho 'tong si Manong.

Nakarating ako ng school before magsara ang gate. Akala ko eh ako na ang pinaka huli, meron pa palang mas late kesa sa akin.

Ang bilis ng takbo ni Jackie, hinintay ko na siya. Kaya sabay na kami naglakad papasok ng gate. Marami pang estudyante sa corridor kaya na relax na ako. Pinakiramdaman ko ang tiyan ko..ok na...tumalab na ang gamot. Di ako pwede mag absent kasi ngayon ang election ng classroom officer ng section namin. Junior high na ako at star section. Second honor lang ako last year. At target ko ngayon maging first honor.

"Ayan na si Mam!"... at nagmamadali na kami na nag upuan.... at nag umpisa na ang election. Gaya ng inaasahan ay kami na naman ni Romina ang magkalaban for president. Nasa harapan kami ng mga classmate namin. At nag umpisa na ang bilangan. "Lahat ng favor kay Romina taas ang kamay"..at binilang na ni Mam ang mga nagtaas ng kamay.. 22 ang bilang ni Mam.." lahat ng favor kay Guadalupe (ako yon, kung bakit naman kasi binuo pa ni Mam ang pangalan ko eh) taas ang kamay".. at inumpisahan na uli magbilang ng adviser namin...22... 23.... Nagpalakpakan ang mga bumoto sa akin.

Ako ang nanalong class president.. anim ang naging lamang ko kay Romina. Nagkamay kami pagkatapos at naupo na uli sa sarili naming mga upuan. "Lupe, tignan mo si Romina oh. Ang sama ng muka!..", bulong ni Jackie sa akin. Hindi ko tinignan si Romina gaya ng sabi ni Jackie. Alam ko naman na di nagustuhan ng first honor namin (Romina) ang pagkatalo niya.

Will you love me, again?Where stories live. Discover now