WARNING: THIS IS THE FIRST STORY I AM WORKING ON AND EXPECT FOR ERRORS. HIHI BUT I PROMISE TO IMPROVE AS MUCH AS I CAN. HAPPY READING!
———————————————————–—
" Tama na!" matigas kong saad at pinipilit kumawala sa pagkakayakap ng lalaking pinakamamahal ko.
"No please! I will not let go of you unless you tell me the real reason," mangiyak-ngiyak nitong tugon. "Okay naman tayo diba? Wala naman tayong problema? Pero bakit?" sa bawat bitaw niya ng mga salita ay ramdam ko ang sakit at lungkot nito.
Maging ang kanyang kulay tsokolateng mga mata ay hindi maitago ang emosyon.
"Ayoko na. Pagod na ako. "
mahirap man ngunit kailangan kitang pakawalan. Balang araw maiintindihan mo din. Balang araw malalaman mo din.
Umagos ang mga luha sa aking mga mata.
"Huwag mo na akong pahirapan." Pinahid ko ang mga luhang iyon gamit ang aking mga palad.
" Gusto ko maging masaya ka na wala ako. Tuparin mo lahat ng mga pangarap mo, para sa sarili mo."
Patuloy lang siyang umiiyak at nagmamakaawa.
Lumuhod siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Love please! Let's make things right kung may mali man. Huwag ganito! "
I closed my eyes not to see him. Alam kong konting-konti nalang ay bibigay na ako. Mahal ko siya pero kailangan ko siyang palayain.
"No Axe! Ayoko na. Ayoko na sayo. "
may diin kong sagot sa kanya bago ko siya tuluyang iwan sa lugar kung saan kami nagsimula.
Patuloy ako sa pag-iyak habang naglalakad papalayo sa pinakamamahal ko. Hindi ko alam pero ito lang ang naiisip kong paraan. Hindi ko alam kung tama ba ito.
Ang tanging alam ko lang sa ngayon.. mas magiging madali kapag mas maaga ang pagkawala ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Which Love?
Fiksi UmumShe let go... and searched for it again. Will she able to find the same love? Yung mga names na ginamit ko, names ng friends ko HAHAAHAHAHAHA maliban sa bida hehe
