Chapter 5

48 6 0
                                    

Chapter 5

"Go Kye!"
"Go number 20!"
"Go Lavido!" sino diyan sa dalawa teh?
"I love you Kye pakasalan mo na ako."

OA ni ate. Natawa ako kahit papaano.

SWU vs. STU, ngayon lang ako nakapanood ng game nila. In fairness ang galing ng mga schoolmate ko, lalo na si Alexis na asawa ni Shae. Speaking of Shae, wala ata siya ngayon dito ah. Ba't kaya di niya pinanood yung hubby niya?

Lamang na ng 10 points ang STU.

"Woooooohhhh!!!"
"Ang galing!" sigaw ng mga tao dito sa court.

Ang galing talaga ni Carl sa basketball. Nung nakashoot siya tumingin pa siya kay Cali. Di naman masakit.

Nag time out saglit at pinanood ko si Carl na lumapit kay Cali, pinunasan ni Cali yung pawis ni Carl. Di na ata kailangang tanungin tong si Cali kung gusto niya si Carl eh, halata na.

Pero itutuloy ko pa rin yung pagtulong ko kay Carl na isurprise si Cali.

Natapos ang game at nanalo ang STU, lakas.

Nakita ko din na niyakap ni Carl si Cali. Wow, level up ah? Nanlumo nanaman ako. Sana ako yung niyayakap mo.

Lumapit naman si Kye saakin.

"Uy Congrats" sabi ko.

"Thank you Gris" aniya na may matamis na ngiti. Sinuklian ko din siya ng ngiting walang buhay, kala mo naman close tayo para bigyan kita ng sweet smile. Charot. Hahaha.

"11:40 na san mo gusto kumain? Libre ko" nays. Haha.

"Jollibee nalang" sayang yung libre eh.

"Hi Grisel!" Ani Astrid. Astrid Gordon top 1 sa kabilang section at anak ni Maam Gordon, kasama niya si Alessia Diaz, top 2 naman nila. Top 3 si Kye.

"Uy hello." bati ko din sakanila.

"Uyyy may something sainyo ni Kye no? Yieeeee." Wow may Shae 2.0 ata tayo dito.

"Huh? Wala." wala naman talaga.

"Kala ko pa naman kayo ni Carl ang magkakatuluyan."

'Akala ko nga din eh. Hehe.'

"Pero grabe no ang galing ni Keith kanina." Ani Alessia. Schoolmate padin namin si Keith kaso sa kabilang section din siya. 5 sections kasi ang meron sa grade level namin.

"Diba ex mo yun?" Tanong ni Astrid. Mga chismosa.

"Oo." Tipid tayo sa pagsagot.

'Kawawa naman si Kye dito sa gilid hahahahahah.'

"Ehem" pekeng ubo ni Kye.

Natatawa naman akong umiling dito sa tabi ni Kye.

"Hahaha naglunch na kayo?" Tanong ni Alessia.

"Hindi pa." Sagot ko

"Sabay sabay na tayo." Ani astrid

"Bakit?!" pagalit na tanong ni Kye.

'Bat ka nagagalet?'

"Bakit hindi?" Tanong ko sa tanong niya

"Yieee magdedate pala kayo ah." pang aasar ni Astrid. Tong mga to ang tatalino pero ang chichismosa.

"Hindi ah"

"Suusss, sige na nga hahaha mauna na kami. Enjoy kayo sa date niyo." Ani Alessia at umalis na sila.

Imperishable LoveWhere stories live. Discover now