Ikalawang Yugto

5 2 0
                                    

" Isabel. Kapangalan mo ang bunsong anak nila Señora Cecilia at Señor Ramon. "

Napansin ko ang biglang pagkawala ng ngiti nito sa kanyang mga labi. Ngunit, hindi ko na lang pinansin ito.

" Gaano ka na katagal na nandito? " tanong ko sa kanya habang kami ay naglalakad. Ito lang ang paraan na naisip ko upang mabasag ang biglang pagkatahimik.

" Hm. Matagal na rin ako nandito. " sagot niya sa tanong ko ng may halong saya na agad.

Tumango ako,  " Mabuti hindi ka nahuhuli ng mga gwardiya. Delikado ka dito. "

Umiling lang ito sa akin at ngumiti. " Ayos lang ako rito. At hindi naman ako lumalabas, andito lang ako sa loob. "

" Sigurado ka ba sa iyong sinasabi, Binibini? "

Tumango lang ito sa akin. Kahit nagtataka ako sa kanya, nag-aalala ako lalo na't gabi at walang tao dito sa loob. At puro mga lalaki ang nagbabantay na gwardiya.

" Binibining Isabel, kung hindi mo mamasamain, gusto mo ba sumama sa akin? "

" Ngunit, maiiwan ang bahay na ito. Ayaw kong iwan ang bahay na ito. "

" Lagi ako bumabalik dito. Kung gusto mo, maari kang sumama sa akin sa tuwing ako ay pupunta rito. " pagkatapos kong magsalita ay bigla siyang tumigil sa paglalakad at nakita kong kumikinang na parang mga tala ang kanyang mga mata.

Nakita ko na masaya siya. Nabigla ako ng bigla siyang yumakap sa akin. " Uh.. Binibini? "

Bumitaw siya sa pagkayakap sa akin at tumawa. " Pasensya ka na, Ginoo. Masyado ako natuwa sa iyong sinabi. Natutuwa ako na may kasama ako at hindi na nagiisa. "

Tumango na lang ako sa kanyang sinabi at sinenyasan siya na sumunod sa akin. Habang naglalakad kami palabas ng bahay ay umaawit siya, at bakas sa kanyang boses na siya ay masaya.

Nang makarating kame sa tarangkahan ay binati muli ako ng mga gwardiya. " Sa muli mong pagbisita ulit dito, Nathan. " ngumiti at tumango ako.

" Wag kayo magalala, lagi ako bibisita rito. Basta't pakiusap ko na bantayan niyo ng maigi ang paligid ng bahay ng pamilyang Hermosa. "

Tumango at sumaludo silang lahat sa akin ng nakangiti. " Siya nga pala. Nais kong ipakilala ko sa inyo si.. "

" Sino ang nais mong ipakilala sa amin? Wala ka namang kasama. "

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Paano niya nasabi na wala? Ngunit nasa likod ko lamang ang binibini na nakita at nakilala ko sa loob?

" Ah! May mabait na aso ako nakita na nagaaligid dito, baka natakot kung kaya't tumakbo palayo ng hindi ko namamalayan. Hayaan niyo na lang. "  ani ko sa kanila habang kinakamot ang aking batok. Ngunit, inaamin ko na bigla akong nakaramdam ng kaba at lamig sa aking katawan. Isinasantabi ko na lang ang naiisip ko, at pinipilit sabihin sa sarili ko na hindi iyon totoo.

Pagkalabas namin sa loob ay nakita ko ang matanda na kumakaway sa akin sa tapat lamang ng bahay ng pamilyang Hermosa. Agad akong lumapit dito.

Inalukan niya ako na sumakay sa kabayo ng libre para ako ay hindi mahirapan sa aking paglalakad. Nakita ko ang pagkinang ng mga mata ni Isabel ng malaman na kami ay sasakay dito.

Ngunit, mas lalo tumaas ang aking mga balahibo ng palayo na kami sa bahay ng pamilyang Hermosa ay nagsalita si Isabel.

" Paalam mga mababait na ginoo! Kasama ako sa muling pagbisita ni Ginoong Nathan. "

Paolo Nathan, nais kong sabihin na sana ikaw ay makatulog ng mahimbing kahit na may di maipaliwanag na pangyayari ang nangyari.

Pagkapasok namin sa aking bahay ay naguguluhan parin ako. Nakatingin ako sa kanya na ngiting ngiti parin.

" Binibini, maaari ba akong magtanong sa iyo? "

Tumango ito at ngumiti, " Oo naman, ngunit ikaw ay nagtatanong na, Ginoo. "

Napahilamos ako agad ng aking mukha sa kanyang sagot sa akin.

Tinignan ko siya sa mata. San ba talaga kita nakita? Ba't parang pamilyar ang iyong mga mata.

Napabuntong hininga ako, " Ano ka ba? Bakit hindi ka nakikita ng mga gwardiya kanina? Ako ay nakikiusap ng buong puso, sapagkat alam ko na ramdam mo na ako ay naguguluhan. "

Napayuko siya, " Ginoo, ramdam kong ikaw ay mabait. Ngunit, pasensya ka na, dahil sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko sa iyo ang sagot sa iyong tanong. "

" Maaari ko bang malaman kung kailan mo maaaring sagutin ang tanong ko? "

" Hindi ko masasabi, Ginoo. Paumanhin kung hindi pa talaga. "

Napasandal ako sa upuang kahoy na aking inuupuan at napabuntong-hininga. Tinignan ko siya muli at ngumiti. " H'wag ka magalala. Hindi ko ipipilit. Hihintayin ko ang oras na sasagutin mo rin ang mga tanong sa aking isip. At gusto ko malaman mo na ayos lang iyon. "

Ngumiti ito sa akin at tumango. " Maraming salamat, Ginoo. Isa kang mabuting tao talaga. "

" Gaano ka ba katagal na nanatili sa bahay na iyon? " muli kong tanong sa kanya. Sinisigurado kong ang mga tanong na itatanong ko ay maaari niyang sagutin.

Napahawak siya sa kanyang ulo at baba na para bang nagiisip. " Hindi ko alam, pero ramdam ko na matagal na ako andon. "

Tumango-tango lang ako. Tumayo ako at sumilip sa labas. Nakita ko na gabi na, at natatanaw ko muli sa aking tahanan ang ingay sa piyesta.

" Nabalitaan ko na may piyesta raw. Pupunta ka ba roon? " umiling ako bilang senyales na hindi.

" Ngunit, gusto ko pumunta roon at makita ang mga nangyayari sa piyesta. Sigurado akong masaya roon! " masaya nitong wika sa akin.

" Tama ka, masaya ang lahat ng tao tuwing piyesta dahil doon ay nagtitipon-tipon ang lahat. "

" Bakit ka narito? Bakit hindi ka sumama sa kasiyahan? "

" Hindi ako mahilig sumama sa piyesta. "

Napanganga ito sa aking sinabi, " Seryoso ka ba? Hindi ka nagbibiro? "

Tumango sa kanya. " Ang saya raw tuwing piyesta. Ayun rin ang iyong binanggit sa akin. Dapat ikaw rin, parang ang lungkot ng iyong mga mata. "

" Hindi ko kaya magsaya sa oras na ito. Dahil may pangako ako na dapat kong tuparin at mag-seryoso rin sa pagaaral upang ako ay makapagtapos na. Ayun lang muna ang gusto kong gawin sa buhay. "

Lumapit ito sa akin at bakas sa mga mukha nito ang pagkadismaya at ang kagustuhan may malaman na hindi ko maintindihan.

" Anong pangako ba iyon? Masyado bang importante iyon? "

Napaseryoso ang mukha ko. Para talaga sa akin ay sobrang importante ng pangakong iyon. Hindi lang para sa akin, o sa magulang ko, kundi para sa pamilyang tumulong sa aming lahat.

" Oo, sobrang malaking bagay ang pangakong iyon sa akin. Gusto kong makapagtapos at tumulong sa pagiimbestiga sa nangyari sa pamilyang Hermosa. At maghanap sa tatlong magkakapatid na anak nila Señor Ramon at Señora Cecilia. Gusto ko makitang buhay ang kaibigan ko, ang dalawang kapatid nito na kahit kailan ay hindi ko rin nakilala. Ang pangakong ibabalik ko sa pamilya nila ang kabaitan na ibinigay nila sa amin ng pamilya ko. "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pamilyang HermosaWhere stories live. Discover now