"Pst oy! Pulutin mo ang papel. Ang bastos mo ah." si Karina. "Sabi nang linisan mo ang sahig! Ka bago bago mo dito kung sino kana ah? Sa chicmis dito sumama ka raw sa matandang lalaki at nabuntis ka?" Humalakhak ito sa pamamahiya sakin sa lahat ng ka klase namin.

Umiling iling ang mga kaklase namin na lalaki at nag irapan ang kaklase naming babae.

"Wala ka na ditong kakampi! Wala na dito si Kaira. Nakakaintriga naman, akala namin hindi kana babalik. Kung kailan patapos na ang klase ,nakahabol ka pa? Inakit mo siguro ang may ari ano?"

  Isa ulit na masigabong na tawanan ang aking natabo. Hindi ko magawang magsalita dahil umpisa palang mali mali na ang balitang nasagap niya. Mga tao nga naman ngayon.

     Huminga ako ng malalim. Hapon na at paalis na ang iba, ang iba naman naglilinis. Kumuha ako ng walis at nagsimulang magwalis. Bigla ulit dumami ang papel na lukot lukot at kung anu ano pang basura na mula sa mga barkada ni Karina.

  "Oh my god, Miss Monasterio! Put that down!" histerikal na sabi ng guro namin ng makapasok.

  "Po?" gulat ko ng kinuha nito sa kamay ko ang walis.

"Sinong nagpawalis dito kay Angelica?!" galit na wika nito sa mga ka klase ko. Sabay sabay naman na tinuro ng lahat si Karina.

  "Jusko! Pag nakita tayo ni Mr. Monasterio lahat ng guro dito mawawalan ng trabaho! Angelica Monasterio is the fiance of Leon Monasterio! The sponsor of our school!"

  Lahat ng ka klase ko ay nabigla at hindi maipinta ang kani kanilang reaksyon. Umiwas nalang ako at tumango sa guro namin na todo ang pagpasensya sa akin. Sinikop ko ang mga gamit ko at nilakad ang papuntang locker para ilagay doon ang aking mga libro.

  
   Binuksan ko ang locker ko at nabigla ng may bulaklak na rosas ang nalaglag mula doon! My favorite roses!

   Nanginginig akong pinulot yun. Sa hindi malamang dahilan ay gusto kong umiyak.

   Pinulot ko ang kumpol na rosas at binasa ang nakasulat doon. Kumirot ng sobra ang puso ko.

  You're the bullets of my guns, You're my hope  even If I am lose. You're like a bomb keep on bombing inside my heart. Your name is like a missile ,it keeps on repeating inside my mind.

The soldier of your heart, Leon....

  Nasapo ko ang bibig ko at marahas na binaling sa paligid ang mg mata. He's here!

  Sa kabila ng malakas na ulan ay tinakbo ko ang labasan ng eskwelahan. Ang bawat takbo ko ang pagrahas rin na pag tambol ng aking puso. Parang mawawalan ako ng hininga sa sobrang takbo ko. Pinagtitinginan rin ako ng ibang studyante at guro.

  Kahit umuulan hindi ako nag dalawang isip na lusungin ito at tinignan ang mga sasakyan isa isa.

"Leon!!" I cried in the middle of the rain. "Leon please! A-Alam kong nandito ka!"

  "Ma'am sumilong na po kayo, basa na kayo.." sabi sakin ng guwardiya ng eskwelahan.

  Umiling iling ako at nilibot pa ang tingin. Parang gumuho ang mundo ko. Sumasakit ang puso ko na may pagkakataon na naman akong sinayang para makita siya. Sayang. Gusto kong umiyak dito mismo at sumigaw ng todo.

  "Leon please...hirap na h-hirap na ako..." lumuhod na ako sa daan. Nanlalamig ang buong katawan. Nagbabakasakaling nakikita niya ako at maawa siya.

  Lumipas ang segundo na walang dumating. Nakayuko lang ako sa aking tuhod na nakaluhod sa sementong daan. Basang basa na ako ng ulan.

  Pinulot ko ang rosas na nabitawan ko sa daan at mapait na ngumiti. Napawi ang aking ngiti nang may dalawang pares na itim na sapatos ang huminto mismo sa aking harapan.

  Parang huminto ang pag ikot ng oras. Dahan dahan kong tinignan ang may ari ng dalawang itim na sapatos.

  "Get up.."

  I tried my best ,para makatayo. Kung walang ulan, alam kong klaro sa kanya ang mga luha ko na ayaw nang huminto. Nanginginig ang kalamnan kong makita siya. Bakas ang mga peklat sa mukha niya. Medyo sabog ang labi niya. Ang braso niya ay maraming latay ng latigo. At kahit na nakaputing t shirt siya ay bumakat ang maraming latay ng latigo sa kawatan niyang kakahilom lang!!!!

  "I-Ito ba ang dahilan k-kung bakit ayaw m-mong magpakita h-huh?" nagawa kong sabihin at umiyak.

  Basang basa narin ito ng ulan. Gumala lamang ang mata niya sa aking kabuuan. Kalaunan ay tumango siya.

"Happy birthday.." inisang hakbang lang nito ang distansya namin at niyakap ako ng mahigpit. Binaon niya ang mukha ko sa dibdib niyang matigas. "Happy birthday, baby..." he whispered and kiss my hair.

  May humintong SUV sa gilid namin at binuksan iyon ng tauhan niya.

  "You gave up your position Leon?" I asked. Hindi ito sumagot. Kinandong ako nito sa loob ng sasakyan at binalot ng tuwalya. Hindi ko naman matanggal ang titig ko sa kanya.

He looks more mature, more illegal, and raw.

  "You promised your dad Leon, you promised to protect the-"

"I promised to protect you, Angelica." putol niya sa anumang sasabihin ko. "You are my position it this fucking world...get that?"

  Napapikit ako ng halikan ako nito sa labi na siyang nagpawi ng lamig ko sa katawan.
    

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now