My Boyfriend is a K-Pop Star

9 0 0
                                        

Araw-araw paulit-ulit na lang nangyayari sa buhay ni nammy, sigawan dito sigawan doon, kurutan, tawanan. Yan ang buhay sa loob ng paaralan nila pero ito sya nakaupo sa gitna na nag iisa. May lumapit kay nammy at nagtanong.

"May nakaupo ba dito?(itinuro nya ang upuan sa likuran ko)"

"Ahh dyan wala naman" matipid kung sagot.

Nang makaupo na ang babaeng nagtanong kay nammy inilabas nya lahat ng aklat mula sa bag nya at mga notebook nya. Lahat yun ay puro mukha ng taong iniidolo nya. Lumingon si nammy sa kanya at nagtanong.

"Para saan naman lahat ng yan?" Tanong nya sa babaeng nasa likuran nya.

"Collection ko ito, omg eun wooooooooo" pasigaw nyang binanggit ang pangalan ng taong hinahangaan nya.

"Kaloka ka makasigaw ka naman parang ikaw lang tao dito."

"Aba ikaw ba naman hahanga sa gwapong nilalang na ito, ASTRO member sya (inespelling pa) A, S, T, R, O, Astro nakakamatay yung kagwapuhan nya nakakatunaw yung tingin at nakakakilig ang ngiti."

"Ahh ganun ba marami na kayo humahanga sa kanya"

"Ikaw ba walang hinahangaan?"

"Ahh wala di ako mahilig sa mga ganyan, saka isa ka rin ba sa mga nagsasabing asawa nya?(eun woo)"

"Oo kaya tawagin mo na lang akong Cha😅 "

"Okey sige Cha" maikli kung tugon at humarap na ako ulit sa teachers desk.

Kung ipapakilala lang lahat halos kaklase ni Nammy ay hinahangaan ang ASTRO at lalong-lalo na si Eun Woo. Simula nang usapan ni Nammy at Cha ay naging matalik na magkaibigan na sila. Natapos na ang isang buwan inembitahan ni Cha si Nammy na sumama sa concert ng Astro sa Japan.

"Nammy, nammy, nammyyy (pasigaw na tawag ni Cha kay Nammy)"

"Ohh bakit? Ano kailangan mo?"

"Isa-isa lang tanong mahina ang kalaban. Sa susunod na linggo punta tayo sa consert ng Astro nakapag-ipon nako para sa ticket."

"Ikaw na lang Cha tutulong ako sa small business ng parents ko."

"Sayang naman pero sige okey lang marami akong racket kaya siguradong makakapunta ako"

Nag-uusap sila habang naglalakad di nila napansin na may mabubunggo na silang kaklase kaya;

( BOGGGSSSSS, lagapak ng pagkakabunggo ni nammy)

"Sorry, sorry shantal diko sinasadya di kita napansin" pag-aalala na sabi ni Nammy.

Galit si shantal na nakatingin kay nammy at akmang hahawakan na nito ang braso nya ng pumagitna si Cha.

"Ahhh shantal pinatawag ka pala kanina ni Ma'am nakalimutan kung sabihin" pasinungaling na sabi nito para maiwasan ang iringan sa dalawa.

" salamat Cha ha! " pasalamat ni Nammy kay Cha sa pag gawa nito ng kwento para maiwas sa gulo.

"Ano kaba wala yun alam naman nating di yun sinasadya gusto lang nun makahanap ng gulo saka bad temper yun lagi."

Pumasok na ang dalawa sa room nila at umupo na sa kani-kanilang upuan at ang laging gawain ni Cha nakatutok na naman sa cellphone at pinagmamasdan ang gwapong mukha ng kanyang hinahangaan. Si Nammy naman ay tumayo ulit at lumabas para kumuha ng maiinom ng mabangga nya si Niko.

"Sorry, sorry diko sinasadya" at tuloy ang lakad ni nammy habang nakayuko pero hinawakan ni Niko ang kamay nya.

"Teka lang" sabi ni Niko at nakatingin ito sa mata ni Nammy.

"Bakit?ano kelangan mo?" Tanong nito

"Wala naman sige pumunta kana sa pupuntahan mo lebre ka ahh?"

"Magpapalebre lang pala may nalalaman pang pahawak-hawak"

Nakangiti si Nammy habang nakikipag-usap sa sarili.

Nammy's POV

Hindi ko inaasahang hahawakan ni Niko ang kamay ko, magpapalebre lang pala ang taong yun kala ko paparusahan na ko sa pagkakabunggo sa kanya. Si Cha naman sobrang patay na patay kay Cha Eun Woo pati pangalan nya pinalitan na nya hay nakong babae mahirap pa naman kalabanin ang taong Die na Die sa Idolo nila.

Uwian na tapos na rin ang klase pero dederetso ako sa maliit na restaurant nila mama at papa para tumulong andon din si Kuya. Oo may kuya ako at ayaw ko man at sa gusto dko na maiiwasang magka kuya ayaw na ayaw ko sa kanya bully lang nakukuha ko sa kanya. Pero sana wala sya ngayon sa resto nila mama at papa para malaya akong makakagalaw.

(20minutes later)

Binigay kona order ng kabilang lamesa at kinuha ang pinagkainan ng nasa tabi ng pintuan ng may pumasok sa at biglang tinakpan ang mga mata ko. Naku napaisip ako si kuya na naman ito, pagtanggal nya ng kamay nya ngumiti ako ng malapad syempre malapad si Eun Woo pala.

Umupo sila sa bandang likuran at nakiupo narin ako ng diko nabantayan kinuha ni kuya bigla ang upuan at dumiretso ako sa sahig nakakahiya daming tayo nandito pa si Eun Woo sakit tuloy ng balakang ko tsk nakakainis talaga pag andito si kuya sarap makipagbasag ulo. Pero dali-dali namang tumayo si Eun Woo at tinulungan ako saka sya na naghiganti kay kuya para sakin, ambait talaga ni Eun Woo pagdating sakin😊 binelatan ko si kuya at kumuha ako ng fried chicken binigay ko kay Eun Woo asang asa si Kuya na para sa kanya yun ehh haha nakaganti na rin buti nga sayo hahahaha.

"Eun Woo kelan ba next concert nyo?"
Tanong ni Nammy kay Eun Woo

"Next Month na meme"

Sya nga pala meme tawag sakin ni Eun Woo magkababata kasi kami.

"Ahh ok alm mo bang may bago akong kaibigan die hard fan mo sya sabi pa nya sakin na tawagin ko daw syang asawa mo"

"Ahh oo ganya talaga mga fans ko pero isa lang naman asawa ko ehh" nakangiting nakatingin kay Nammy.

"Sino naman? Ay sya nga pala Eun Woo pwede ko bang sabihin sa kaibigan ko na magkakilala tayo?" Tanong nito kay Eun Woo

"Huwag baka pagkaguluhan kana rin ngayon mas lalo kapang maging aswang" sabat ng kuya ni Nammy

"Cheee tumahimik ka kuya di ikaw kausap ko." Nakirap na sabi nito sa kuya nya.

May iniabot si Eun Woo kay Nammy na isang long Bond Paper na may nakasulat at pirmang pangalan ni Eun Woo

"Ito na lang note na may pirma ko bigay mo sa kaibigan mo para naman matuwa sya." Nakangiti habang inaabot kay Nammy ang papel

"Baka magtaka kaibigan mo nyan?"tanong ng kuya ni Nammy

"Problema ko na yun" taray na sagot nito sa kuya nya

Wala ng mayinong usapan ang nangyayari kay Nammy at sa kuya nya. Di talaga sila magkasundo dahil sa mama nila. Mas alaga kasi nito masyado ang kuya nya kesa sa kanyang bunso.

Wohhhh first time po ito sana supurtahan nyo salamat po ng marami kung nagustuhan nyo po ipagpapatuloy ko ito

Pafollow narin po para makaupdate kayo sa next chapter

My Boyfriend is a K-Pop StarStories to obsess over. Discover now