Chapter Six:xiS

175 6 0
                                    

"Salamat Beshie sa pag bantay sa anak ko" saad ni sunny ng sunduin nya na ang kanyang anak

"naku always welcome naman kayo saakin ni baby grey? kahit nga gawin mo akong baby sitter nyang anak mo ayos lang basta ba 1million ang kada araw ko hahaha ...sige na kumusta mo nalang ako kay tito ah ...babye ingat kayo ..babye baby grey" saad ni jane

" babye po tita jane see you tomorrow po" masayang saad naman ng bata ...at pumasok na nga sila sa kotse...

" mommy? where are we going po?" takhang tanong ng bata

" to your lolo's house" saad ni sunny

" wow, ibig po sabihin ma memeet ko na si grandpa and my tito's po mommy ?" excited na tanong ng bata

" yes baby," saad ni sunny sa anak...bakas naman sa mukha ng bata ang pag ka excited dahil hindi ito mapakali...

.........

" wow mommy, lolo's house is big" manghang saad ng bata ng makita ang bahay ng kanyang lolo...ngumiti naman si sunny...

*Dingdong*
tunog ng doorbell ng pindutin ito ni sunny...
kinakabahan sya ngayon sa sasabihin ng kanyang ama at kapatid ...iniisip nya na baka itakwil sya nito at hindi tanggapin ang anak nya...pinilit nyang lakasan ang loob nya para sa. bata kaya huminga sya ng malalim at itinago sa likod ang bata...

" Sino yan?" saad ng ama ni sunny at binuksan ang gate...
pero na nigas ang kanyang buong katawan ng makita ang nag iisang anak na babae...

" papa" malungkot na saad ni sunny ... ihinahanda nya ang sarili sa maaring sabihin ng ama...

" s-sunshine anak? ikaw ba yan?" di maka paniwalang saad ng ama

" opo papa" mangiyak ngiyak na saad ni sunny habang tumatango tango

" a-anak ko?anak ko, ikaw nga " mangiyak ngiyak din saad ng ama ni sunny at agad na yinakap ng mahigpit ang anak

" papa" umiiyak na saad ni sunny at yinakap ng mahigpit ang ama

" sunshine anak ko, ano bang nang yare sayo? saan ka ba nag punta? bakit di mo man lang kami kinontact , alam mo bang halos mabaliw ako kahahanap sayo? akala ko kung ano ng nang yare sayo, anak ko , nandito kana" at tuluyan na ngang napa iyak ang ama ni sunny habang mahigpit sya nitong yakap

" sorry po papa sorry po talaga " umiiyak na saad ni sunny

" it's ok,ang mahalaga nandito kana at walang masamang nang yare sayo, halika't pumasok na tayo sa loob at ipaliwanag mo saakin ang lahat " saad ng ama kaya nag lakad na ang dalawa

" uhm, excuse me po to the. both of you po but i'm out of place po you know" naka pout na saad ng anak ni sunny kaya sabay na napatingin ang mag ama dito...agad naman itong linapitan ni sunny at binuhat

" ay oo nga po pala pa, apo nyo po" saad ni sunny

" m-may anak ka na? m-may apo na ako?ibig sabihin lolo na ako?" di maka paniwalang saad ng ama ni sunny...kaya napa tawa si sunny

" opo papa...si greylex po anak ko po" saad ni sunny

" Hello po grandpa , nice to meet you po" masayang bati ng anak ni sunny... di naman maipaliwanag ng ama ni sunny ang nararamdaman na saya at ka gaanan ng loob ng ngumiti at kausapin sya ng bata...

"hello iho" masayang saad ng ama ni sunny at linapitan ang anak at apo...

" pa oh apo nyo" saad ni sunny at ibinagay ang anak sa ama...

" Grandpa,can i hug and kiss you po please" excited na saad ng bata...

" o-oo naman" saad naman ng ama ni sunny...kaya yinakap ito ng bata ng mahigpit at pinaulan ng halik ang buong mukha ng kanyang lolo...

Isang Gabing Pag Ibig(#1 Grey Cloud Connor Story)(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora