Chapter 1: Our Life

7 1 0
                                    

               Chapter 1: Our Life
               

" Myghad Arianne!! Ano ba nanaman ang problema mo?! " sigaw ng Mommy ni Arianne sakanya. " Am I bad mother for you?? ganyan ba talaga kita pinalaki?? " sigaw pa niya ulet, ngunit hindi naman pinapakinggan ni Arianne ang pag sesermon ng kanyang ina sakanya. " Anong nangyayare dito?? " tanong ng Daddy ni Arianne na kakadating lang mula sa trabaho. " e itong anak mo!! naka-suntok na naman ng isang kaklase!! " sagot ng mommy ni Arianne, at ni-roll eyes lang ni Arianne ang Mommy niya. " At bakit nanaman ba anak?? " tanong ng Daddy ni Arianne sakanya. " kinukulit niya kasi ako dad 'e! " sagot ni Arianne. " And still! you should've not done that! " sambit ng Mommy ni Arianne. " sige 'nak, punta ka muna sa kwarto mo. " sabi ng Daddy ni Arianne at sumunod naman siya. " 'yan ka nanaman 'e!! why don't you teach your daughter a lesson??? kaya wala siyang respeto kasi lagi mo nalang siya pinapabayaan! how will she learn huh? ewan ko na nga lang sainyong dalawa!!! " sabi ng Mommy ni Arianne at nag-walk out.

Arnold's POV

Hellooooo!! ako nga pala po si Arnold Jay R. Castillo, nandito ngayon ako sa kotse papuntang Maynila kasama ang Mama ko at ang mga kapatid ko, 'di namin kasama ang Daddy ko dahil nauna na siya sa Maynila. At ang dahilan kung bakit kami papuntang Maynila ay dahil dun na kami lilipat dahil may nahanap na magandang trabaho dun ang Papa ko. "Nandito na tayo!! " sabi ng Mama nang nakadating na kami sa bahay naming titirhan. " Wooooww! mas malaki pa ata 'tong bahay nito kesa sa bahay natin sa probinsya 'a? " sabi ng poging bunso namin na si Christian. tumawa si Mama dahil sa sinabi ni bunso. " Kaya kailangan mong mag-aral ng mabuti para magkaroon ka rin ng malaking bahay! " sabi ni Mama kay bunso. " Hay naku 'ma! hindi lang malaking bahay ang bibilhin ko, bibili ako ng mansion! pati maraming kotse para makapag travel tayo nina ate at kuya! " sabi ni bunso at nagsitawanan lang kami. " 'nak, pakikuha ng mga gamit sa likod ng kotse. " sabi ni Mama saakin at sinunod ko siya. kinuha ko ang mga gamit sa kotse at nilagay sa bahay.

// 7:30 pm //

naglalaro kami ngayon ni bunso ng video games sa tv, habang sina Mama at Bianca ( younger sister ko, pangalawa saaming magkakapatid ) nasa kusina nagluluto ng dinner namin. " mga anak!! tama na ang pag lalaro diyan, kakain na!! " sigaw ni Mama at tumigil kami sa paglalaro at pumunta sa hapag kainan at umupo. " mmm.. ang bango 'a??? " tumingin kami sa likod namin at nakita namin si Papa, nang makita ni bunso si papa agad siyang pumunta sakanya at niyakap. " miss mo na agad ako?? 'o ito pasalubong. " sabi ni Papa at sabay bigay ng pasalubong para kay bunso. " thank you pa!! " sabi ni bunso " hello mahal!! " bati ni Mama kay Papa sabay halik. " hello mahal~ " bati ni Papa. " Pa!! " sabay sabi namin ni Bianca at niyakap si Papa. " mga anak koooo~, pagkatapos niyong kumain pumunta kayo sa sala at may pasalubong ako sainyo dun. " sabi ni Papa at nagpasalamat kami at
pinagpatuloy namin ang pagkain.

// 8:27 //

nasa kwarto ko ako ngayon nagcecellphone..maya maya ay narinig ko na tinatawag ako ni Papa mula sa baba. " Arnold anak!! " .
sigaw ni Papa at bumaba agad ako. " Bakita Pa? " tanong ko " halika rito sa tabi ko. " sabi ni Papa at agad akong umupo sa sofa sa tabi niya. " 'nak alam 'kong gusto mo pumasok sa Ateneo.." sabi ni Papa at tumingin ako sakanya with a 'confused face' " gusto kitang mapasaya kaya.." may binigay sakin si Papa na papel na naka tiklop, wait lang putangina nalilito ako.. binuksan ko yung papel at binasa ko ito..

putangina..

'Congratulations Arnold Jay R. Castillo, You have successfully been enrolled to Ateneo de Manila University.'

laking gulat ko at napatingin ako kay Papa at naka ngiti lang siya sa akin.

" Congratulations anak! " sabi ni Papa at napatalon ako sa excitement! hinug ko si Papa " Pa, salamat pa!! " sabi ko kay Papa " you're welcome anak! basta pag bubutihin mo yang pag-aaral mo ha? wag mong papabayaan " sabi ni Papa " Sympre naman Pa! hinding hindi ko papabayaan ang pag-aaral ko, promise! " sabi ko na may malaking ngiti. " 'O sya sige, matulog ka na at bukas na bukas ay papasok ka na. " sabi ni Papa " sige pa, salamat talaga pa!! " nagpasalamat ako ng paulit ulit hanggang makarating ako sa kwarto ko at natulog ng maaga para bukas.

————————————————
————————————————
shout out nga pala po kay bepartofmycrazylife !! follow niyo po siya and wait for her book which will be coming out soon na 'Playboy meets his match' <3

// InLove with a Playgirl // Book by: shlyy_ //حيث تعيش القصص. اكتشف الآن