PALOAD

10 1 1
                                        

Boring

Sobrang boring talaga dito sa tindaha namin. Malas ko pa dahil nakalimutan ko ang cellphone ko sa bahay. Kahit limang minuto lang ay mararating ko na ang bahay namin pero nakakatamad at isa pa, ako lang ang nagbabantay dito.

"Paload ho" napabalikwas ako ng tayo at mabilis na kinuha ang notebook para sa loadan ng tindahan.

Lumapit ako sa lalaki at inabot ito. Nagulat ako sa gandang lalaki nya. Ang putii! Tapos medyo mamuscle ng kaunti. Medyo matangkad din at nakataas ang buhok na parang mga koreano sa kdrama. Ang pogii!

Napaayos ako ng ibalik nya ang notebook kaya tumayo na din ako ng tuwid. "Reg-gular 2-200?" Dyusme sinong mukang tanga?

"Hm" tugon nya sabay tango.

Pagkatapos maloadan ay agad din itong umalis. At muka talaga akong tangang dumungaw sa labas masundan lang sya ng tingin. Jusko. May ganon pa pala kagwapong nilalang!

Muli kong tinignan ang notebook at biglang pumasok sa isip ko ang napaka gandang ideya sa balat ng lupa. Pero napasimangot din ng maalalang wala nga pala ung cellphone ko saakin.

Pagkalipas lang ng ilang oras ay dumating na ang kuya ko kasama ng pinsan naming lalaki. Hawak nilang pareho ang cellphone nila at sigurado akong naglalaro na naman sila ng ml.

"Boom! Double kill! Sira ko na tower mo Tan!" Sigaw ng magaling kong kuya at naupo sa katabi kong silya. Lumapit naman si Kuya Tan sa akin ng kakamot kamot sa ulo.

"Bobo! Kung hindi ka lang pinaloadan nung nagpaload sayo d ka magyayabang eh" inis na baling nito kay kuya na nakangisi na.

"Pre! Gwapo ata to? Pero sino naman kaya yun? Dalawang daan!" Tinignan nya ako na parang nanalo sya sa lotto at inakbayan ako na parang sinasakal. "Dalawang daan kapatid kong pangit! Alam mo ba kung gaano ka kaswerteng magkaroon ng gwapong katulad ko ha? Ha? Magz!" Sigaw nya pa sa mismong muka kong iniharap nya sa muka nya.

Potcha talsik laway. Hinalikan pa ako sa pisnge ni kuya! Kadirii!

Agad akong tumayo at piningot ang tenga nya, isama na tong si Kuya Tan na humagulgul ng tawa. Lumabas ako ng tindahan at kumaripas ng takbo papunta sa bahay pero naisip kong bumili saglit ng ice cream. Hindi available ang ice cream sa amin dahil ayaw ni Tita. Kaya tumakbo ako sa plaza at hinanap ang 7/11 at nakapaligid ang mga freezer kung saan nakalagay ang masasarap na ice cream.

Nanakam agad ako ng makita ang kalalabas na batang may dala na dalawang sorbetes sa magkabila nyang kamay. Pumasok ako at agad na pumunta sa may freezer at binuksan ito.  Pero napatigil ako ng mahagip ng mata ko ang nagpaload sa amin kanina. Ung gwapong nagpaload at halos malaglag na panty ko sa sobrang kilig nung makita ko kung gaano sya kagwapo.

Pero napatigil ng makitang nasa mga cosmetics sya nakatingin. Parang naghahanap pa sya kung ano ang bibilin nya. Hindi kaya may girlfriend na sya? Putcha na yan! Minsan na nga lang magkacrush sa taong may syota na pala. Ang swerte naman nung girlfriend nya at binibilhan pa sya ng mga makeups nya. Sana ol!!

Malungkot akong kumuha ng dalawang ice cream at tumungo sa cashier pero kamalas malasang nagkasabay kami ng pagdating sa counter kaya nagkadikit tuloy kami. Yumuko sya at.. naglakad sa mismong harap ni Kuyang cashier.

Wtf? Ungentleman naman nya?

"Ahm. Nagloload po kayo?" Rinig kong tanong nya at himdi man lang ako pinansin sa may tabi. Tumango si Kuyang Cashier at magalang na inilabas ang isang notebook.

"Mas mura pala dito, dapat dito nalang din ako nagpaload kanina eh" rinig kong sabi nya dito at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinambit nya. Hindi ko napigilan at lumapit sakanya.

LoadWhere stories live. Discover now