Halos everyday, iba't-iba girlfriends niya.

Di ko nga alam kung bakit at wala akong balak alamin.

"Anong tini-tingin tingin mo?" Pasungit na tanong sakin ni Gino.

Napalunok na lang ako at tumingin na sa test paper ko.

(_ _")

Eh kasi....

First time niya kong kausapin.

Since grade 1, magka-classmate na kami. Kaso...

Never niya kong nakita.

I'm like the INVISIBLE girl dito sa school.

Dahil siguro mas prefer kong kasama ang BOOKS kesa sa mga tao.

I'm the nerd type, sabi nila.

"Hoy, wala ka bang dila? Bakit ba kahit kailan, hindi ka nagsasalita?" Bulong sakin ni Gino.

Tumingin lang ako sa kanya.

Ako ba talaga kinakausap nito?

Teka, Bakit daw kahit kailan hindi ako nagsasalita?

Eh ngayon niya nga lang ako kinausap eh.

Malamang ngayon niya lang ako maririnig magsalita.

Nag-sigh lang siya tapos tumingin sa test paper ko. "Sabagay, mas magandang wag ka na magsalita. Ayoko rin naman kasing kausap ka. Teka...ano yan? Entomology? Eh diba study of insects yun? Dapat ang sagot diyan Helminthology. Yun yung study of worms. Gets? Akala ko matalino ka, mali-mali pala mga sagot mo"

Umiling siya pero kinopya naman yung ibang mga sagot ko.

Unti-onting nag-sink in sa utak ko yung mga sinabi niya.

"Teka patingin nga" Hinila ko yung test paper ko tapos nakita kong nagkamali nga ako.

Binura ko kaagad yung sagot ko dun at pinalitan nung sinabi ni Gino.

Akalain mo yun, alam naman pala niya eh.

Bakit pa niya kailangan kumopya?

Tsaka bakit ba dito siya umupo? Hindi naman niya seat ito?

"Uy! First time kitang narinig magsalita. Congrats, may new word na si Baby!"

(-_-)

Nangasar pa.

Bigla kong na-realize na ang sama na ng tingin nila Maddie at Bianca sakin.

Lagot na naman ako mamaya...

TT_TT

"Bakit mo ba ko kinakausap Gino? Diba hindi mo kinakausap yung mga katulad ko?" Bulong ko sa kanya. Tinignan niya ko sabay ngumiti siya.

"Ayaw mo?" Sagutin ba naman yung tanong ng isa pang tanong.

"Oo, ayoko" Bulong ko.

He frowned tapos umayos na siya ng upo niya.

Para bang nabwisit siya sa sagot ko.

Ayoko naman kasi talagang kausapin niya ko.

Ayokong makilala ng tao.

Heartthrob siya. Nerd ako.

Hindi pwedeng maging friends kami kasi ayoko ng popularity.

Teka nga mikay!

Bakit mo ba iniisip na magiging friends kayo?

*Kring*

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon