Si James ay may alagang aso. Ang tawag niya dito ay Caramel. Puting-puti ang makapal na balahibo ni Caramel. Mahal na mahal niya si Caramel. Palagi niya itong pinaliliguan. Binibigyan niya ito ng maraming masasarap na pagkain at tubig. Madalas din niya itong ipinapasyal.
"Habol, Caramel!" sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pagtakbo sa alaga.
Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina James. Kasing laki ni caramel ang aso pero kulay tsokolate ito. Manipis ang balahibo ng tsokolateng aso kaya hindi ito magandang tingnan. Marami pang putik sa katawan kaya mukha rin itong mabaho. Hindi ito katulad ni Caramel na ubod ng linis dahil araw-araw niyang pinaliliguan.
Nakita ng tsokolateng aso si Caramel. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan ang kanyang alaga. Gagalaw-galaw pa ang buntot ni Caramel na parang tuwang-tuwa.
Hindi nagustuhan ni James na makikipaglaro si Caramel sa marungis na aso. Binugaw niya ang aso pero ayaw nitong umalis.
"Tsuu,tsuu!" bugaw niya rito.
Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nito kay Caramel. Nainis si James. Kumuha siya ng mahabang patpat at hinampas niya ang aso. Nabuwal ito at nag-iiyak.
Hahampasin sana muli ni James ang kulay tsokolateng aso para tuluyan nang umalis pero dumating ang kanyang tatay, agad siyang inawat nito.
"Huwag mong saktan ang aso, James" sabi ng kanyang ama.
"Ang baho po kasi, Itay! Baka mamaya ay mahawa pa sa kanya si Caramel," katwiran niya.
"Paano kung si Caramel ang mapunta sa ibang lugar at saktan din siya ng mga bata doon. Magugustuhan mo ba iyon?" tanong ng ama.
Hindi nakasagot si James. Napahiya siya.
Tinulungan nilang makatayo ang aso. Pinabayaan na niya itong makipaglaro kay Caramel.
YOU ARE READING
Panlabasna anyo
Short StoryHuwag gawin sa ibang hayop ang ayaw mong gawin nila sa alaga mo.
