Writer Ka Ba?

326 14 32
                                    

WRITING TIPS #001

Self-assessment:

Tanungin natin ang sarili natin;

1. Manunulat ba ako?
2. Bakit gusto kong magsulat?
3. Ano ang aking layunin sa pagsusulat?
4. Sapat na ba ang kaalaman ko sa pagsusulat?
5. Kaya ko bang tanggapin kung may babatikos sa akin?
6. Ano ang kaibahan ko sa ibang manunulat?
7. Ano ang dapat kong gawin para lumawak ang kaalaman ko sa pagsusulat?

Maari kayong sumagot sa comment box👇, dahil ang sagot mo ay maaring makatulong sa ibang manunulat at maging inspirasyon nila.

Maari ka rin kumuha ng iyong notebook at doon mo isulat ang iyong katugunan. 

Bakit mahalaga na sagutin at isulat natin ang aking katugunan?  Ito ang magpapaalala sa atin sa darating na panahon, magtagumpay man tayo o mabigo.  Maa-analyze natin kung ano ang naging dahilan ng tagumpay o kabiguaan natin.  Kung ano ang dapat natin gawin sa para magpatuloy.

🍁💨🍁💨🍁

1. Manunulat ba ako?

Para sa akin, malugod kong ipapahayag na isa akong manunulat sa puso, isip at kaluluwa.  Hindi masusukat ang pagiging manunulat sa dami ng mga mambabasa mo. 

2. Bakit gusto kong magsulat?

Ito ang isang paraan ko para mailabas ang mga nag-uumapaw na salita't damdamin na hindi ko maipahayag.  Isa akong tahimik na tao sa personal.  Mapapanisan ka ng laway kung tayo man dalawa ay maiiwan sa iisang lugar.  Hindi ako ang nag-uumpisang kumausap sa isang tao lalo na't estranghero. 

3. Ano ang aking layunin sa pagsusulat?

Mahalaga palang magkaroon tayo ng layunin bilang isang manunulat. Hindi lamang para sa sarili natin ngunit higit para sa ating mambabasa.

Noong una ay nagsusulat lamang ako para sa aking sarili, ang tugon sa #2. Pero habang patuloy kong isinusulat ang aking unang nobela, nais ko na may matutunan kung sinuman ang magbabasa nito.  Kapulutan ito ng mga aral at hindi lamang magpakilig  lalo na sa mga kabataan.  Nais konh maging inspirasyon nila ang mga karakter.  Magmulat sa kanila kung ano ba ang tama at mali? 

Dapat ay may mapupulot silang aral sa ating mga akda lalo na't kung ipino-post natin ito sa Facebook man o sa Wattpad o kahit anong reading platform pa ang gamit mo.

Kailangan pala na bago ka pa lamang gumawa ng isang istorya o tula, alamin mo na agad kung ano ba ang layunin mo?

Kahit anong kategorya o genre pa ang nais mong isulat; romance, mystery or thriller, fantasy, comedy, horror o erotic man iyan.  Isipin mo na agad kung ano ang layunin mo. 

Pagkatapos mo ng itong akda, tanungin mo ang sarili mo kung naihayag mo ba ang layunin sa akdang iyon?  Kung comedy ang genre mo, napasaya mo ba ang mga mambabasa mo?

4. Sapat na ba ang kaalaman ko sa pagsusulat?

Huwag kang panghinaan ng loob kung hindi mo alam ang mga tamang teknikalidad sa pagsusulat.  Tandaan mo walang perpektong tao o kahit na writer.  Kaya nga may mga editor. Kailangan lamang na bukas ang iyong isipan na patuloy na matuto. 

Alam n'yo ba na nakatapos na ako ng anim na mahahabang nobela bago ko nalaman na mali-mali pala ang mga paggamit ko ng mga teknikalidad sa tamang pagsusulat tulad ng mga sumusunod:  nang vs. ng, din/rin, daw/raw doon/roon, dialogue/action tags, at lalo na ang English grammar.  Funny, right?

May mga manunulat na nagbibigay ng constructive criticism noong sumali ako sa mga book clubs.  Kaya lamang, iba't iba rin ang kanilang mga sinasabi kaya naman mas lalo akong nalito.  Nagsaliksik ba lamang ako sa Internet.  May isang book club akong nasalihan na ang founder ay nagbahagi sa amin ng nasaliksik niyang Manwal sa Masinop na Pagsusulat.  Iyan ang isa sa pinagbabatayan ko sa ngayon. 

5. Kaya ko bang tanggapin kung may babatikos sa akin?

May constructive at destructive criticism.  Maging open tayo sa constructive criticism na siyang magtuturo sa atin ng mga tamang pamamaraan sa pagsusulat.  Pero hindi maiiwasan na maraming magda-down sa iyo. Sisiraan ka nila. Pipintasan ang mga isinulat mo.

Lahat nakararanas ng ganyan. Kaya hindi ka nag-iisa.  Kahit ako man, sa book club na sinalihan ko, mayroong isang writer na napasama lang ang akda niya sa Watty's 2017 ay ayaw nang tumanggap ng constructive criticism mula sa akin. Nilait hindi lang ang mga akda ko kundi pati ang pagkatao ko.  Kaya may dummy account ako dito sa FB na para lamang sa writing career ko.  Ayokong maapektuhan ang pamilya ko sa mga ganoong mga tao.

Pero bakit hindi ako huminto? Kasi mas open-minded akong tao. Aminado ako sa sarili ko na marami pa akong dapat matutunan at gutom ako sa mga kaalamang iyon. 

I am a very sensitive person. Ayokong maging hadlang ito sa aking pagsusulat. Mahal ko ang pagsusulat kaya hindi ako nagpapatinag sa mga nagda-down sa akin kahit pa sarili kong pamilya.

6. Ano ang kaibahan ko sa ibang manunulat?

Bawat isa sa atin ay unique. May kanya-kanya tayong kategorya na nais nating isulat.  May kanya-kanya tayong istilo at boses sa pagsusulat.  Ang mahalaga ay huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba, bagkus alamin mo at paghusayan ang sarili mong kakayahan.

7. Ano ang dapat kong gawin para lumawak ang kaalaman ko sa pagsusulat?

Bukod sa nabanggit ko sa #4.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nag-aaral. Kabilang ako sa Penmaster League na pinamumunuan ni Ms. Emerald Blake.  Dumadalo ako sa online workshop at ginagawa ko ang mga seatwork.  Kada workshop ay marami akong natutunan.

Kung mas nais ninyong mahasa ang inyong kaalaman, sumali rin kayo sa Penmasters, kontakin ninyo si Ms. Emerald Blake.  Hiningi ko rin muna ang kanyang pahintulot sa pagbabahagi ng mga natutunan ko sa kanya. 

🍁💨🍁💨🍁

Marami pa akong nais ibahagi sa inyo.    Lalo na ang Tamang Attitude ng Isang Writer.

Sana may napulot kayong aral at hanggang sa susunod.

Maraming salamat po.

Ate Eira

[Eiramana325 | Lightgiver | Goddess of Air]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WWF Writing TipsWhere stories live. Discover now