Karupokan 101
" hoy ano na? Di pa ba ubos luha mo? Kanina ka pa iyak ng iyak oh "
" Huhuhuhuhuhuh *snob huhuhhhuh "
" halos isang oras ka ng naiyak dyan wala ka bang balak tumigil? "
Hays di ko na alam gagawin sa isang to kanina pa siya iyak ng iyak
Pag pinapatigil ko siya, tumitigil naman siya pero pag naaalala niya yung nagyari umiiyak ulit
Napaka iyaking bata tsk tsk
" pwede ba tumigil ka na kanina ka pa tayo pinagtitinginan ng mga tao oh "
Bigla siyang tumahimik kaya napatingin ako sa kanya
-,-
buti naman, kanina pa ako naririndi sa ingay niya
" eh kasi naman ikaw ih! "
Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinampas ang braso ko
Aray ha ang sakit non
Di pa rin ba siya nakaka move on -,-
" sorry na nga diba? Ilang sorry pa ba kelangan para mapatawad mo ko? "
" Tsk ewan ko sayo! " sambit nito sabay tayo
 ̄へ ̄
Tapos ngayon siya naman galit
Kahit kelan talaga ang hirap intindihin ng mga babae
Grrr
" Hoy ano aaalis ka na? Edi umalis ka bahala ka sa buhay mo! Wag ka ng babalik! Di ka kawalan! " inis na sigaw ko dito habang tinititigan siya maglakad palayo
Bahala nga siya lagi na lang ba akong iintindi sa kanya
Dapat nga mag pasalamat pa siya sakin sinamahan ko siya dito sa kanto kahit tirik na tirik ang araw di ako umalis sa tabi niya
Tapos iiwan niya ako
Tsk di marunong timingin ng utang na loob
Tapos ngayon siya pa yung galit
Halos isang daang sorry na kaya yung nasabi ko sa kanya di pa ba sapat yun
Tf nasan na ba yun
Di ko alam kung ano meron sa katawan ko pero ng biglang siya mawala sa paningin ko nag panic agad ako
Hayst nasan na ba yun
Di ako mapakali kaya naman agad akong nag lakad sa direksyon kung saan siya dumaan kanina
Hanggang sa makarating ako sa park kung saan kami madalas tumambay
" huhuhuhuhuhuh *snob bat ba ganon siya mag salita *singhot ng hipon na malapit ng tumulo; ang sama sama niya, masama bang mag alala di kaya magandang biro yung ginawa niya, huhuhhuh
*punas ng luha gamit damit with matching singa;
Pano kung nag katotoo yun paano kung... "
Di na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla akong mag salita at lumapit sa kanya
Mukha siyang nawawalang bata
Mamimiss ko ang inosente niyang mukha
" pag nag katotoo yun... edi waw, syempre di ko hahayaan mangyari sakin yun no? Baka umiyak ka ng umiyak tapos maubos lahat ng tubig sa katawan mo ma paralyze ka tapos sumunod ka sakin, syempre ayaw kong manyari yun no.... ayaw kitang makasama sa langit napakaiyakin mo kaya tapos ang inay ingay mo pa.... aaaray " di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang tumayo at pinag hahampas ako sa braso
" aray... aray... tama na! " sambit ko dito sabay hawak sa dalawang kamay niya para tumigil na siya sa kahahampas
Napatingin ako sa mukha niya
Tsk
Dugyot na bata
" ih ikaw kasi ih... " sambit nito at nag babadya nanamang tumulo ang mga luha niya
" shhh tahan na "
" managako ka muna sakin na di na yun mangyayari! Mangako ka na di mo ko iiwan... " sambit nito sabay inilahad ang mga kamay niyang naka pinky promise
Tsk napakaisip bata
" hindi ko mapapangako pero i try my best "
" yahh! Dapat mangako ka! "
" Duh ? Ayaw kong mangako sayo dahil alam kong malaki ang posibilidad na di ko yun matupad Ayaw kong dumating sa point na mawawalan ka ng tiwala sa mga lalaki tapos di ka na makapag asawa kawawa ka..... "
" aray.... aray.... masakit! "
" ewan ko sayo! "
Tf parang nangyari na to
Grr
Manunuyo nanaman ba ako
Hayssss....
