Chapter 3: Cat Fight

Start from the beginning
                                    

Nagkatitigan kami at muli na namang umandar ang ilusyon ko. Pakiramdam ko ay may halong pagmamahal ang mga tingin niya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ako. Hindi ako maaaring magkamali.

"Jeremy..." Hinaplos ko ang mukha niya. Saka ko siya niyakap nang mahigpit na mahigpit. "I still love you, Jeremy... Please, come to back me. I will do anything for you. Pinapatawad na kita kaya hindi mo na kailangang mag-alala. Kahit anong sabihin mo ay gagawin ko. Balikan mo lang ako ulit. Please..." Wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga at gaga sa mga pinagsasabi ko ngayon. Basta ang alam ko lang ay mahal ko pa rin si Jeremy kaya kahit ang magmakaawa sa kanya ay gagawin ko. Martir na kung martir.

Pero tinulak niya lang ako.

"Ang tagal na nating wala, Serenity. Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin ba talaga nakaka-move on?" Nakakunot ang noo na sabi nito. Nagyuko ako ng ulo at muling tumulo ang isang patak ng luha mula sa mga mata ko.

Parang iritang-irita na bumuntong hininga si Jeremy. "I'm not here for you, Serenity kaya please lang at huwag ka nang mag-ilusyon sa akin dahil wala ka na rin namang mapapala eh. Pumunta lang ako rito dahil nalaman ko na magkaklase pala kayo ni Trixie. Lumipat siya sa school na ito para lang makasama ako kaya kung may pinaplano ka laban sa kanya ngayon pa lang ay binabalaan na kita. Don't do anything to her or else, ako ang makakalaban mo." Binigyan ako ng nagbabantang tingin ni Jeremy saka na niya ako nilagpasan.

Pakiramdam ko ay may tumarak na patalim sa dibdib ko. Talagang pinag-isipan pa talaga ako ng gano'n kasama ni Jeremy. Ganoon ba talaga niya kamahal ang babaeng iyon para pag-isipan pa ako ng masama? Totoong gusto kong kalbuhin ang babaeng iyon na Trixie pala ang pangalan pero hindi naman ako gano'n ka-work freak katulad ng kapatid kong si Harmony. Pinaghirapan kong maging maganda kaya hindi ko basta-bastang hahayaan na pumangit ako ulit nang dahil lang sa pakikipagbasagan ng ulo.

LUMIPAS pa ang mga linggo na nakikita ko kung gaanong kasaya sa isa't-isa sina Jeremy at Trixie. Hindi ko na kailangang mag-effort na i-stalk si Jeremy katulad noon dahil kahit naman ayaw ko ay nakikita ko pa rin sila dahil magkaklase na kami ng hitad na si Trixie. Palagi siyang sinusundo ni Jeremy at madalas ay PDA pa ang dalawa. Parang kulang na lang ay ipagngalandakan sa lahat na ang saya-saya nila habang ako ay patuloy na palihim na nasasaktan.

Bakit ba kasi na-imbento pa ang salitang 'mag-isang umiibig' eh. Ang sakit-sakit pala at wala akong magawa dahil alam ko naman na kahit saang anggulo tingnan ay talo ako. Daig pa ako ng isang kabit na kahit papaano ay inuuwian ng lalaking kinakaluguyo. Dahil ako, kahit na katiting ay wala na nga yatang pakialam sa akin si Jeremy. Ang saya-saya na niya kasama ang Trixie na iyon.

Matalino sa klase si Trixie. Mahinhin siyang kumilos at palaging nakangiti. Cute rin siyang tingnan kaya sinong mag-aakala na sa mukhang iyon na mukhang inosente ay nagtatago ang masalimuot at madilim na pag-uugali? Mang-aagaw siya ng boyfriend ng may boyfriend. Kami pa ni Jeremy noon pero nilalandi na niya ang boyfriend ko. Ang kapal ng mukha!

Madalas niya akong ngitian kahit na pinapakita ko talaga sa kanya kung gaano akong inis na inis sa kanya. Palagi ko siyang iniisnaban at sinisimangutan pero ngiti lang palagi ang binabalik niya. Siyempre pa ay hindi naman ako uto-uto. Hindi ako magpapauto sa santa-santita niyang ugali! Alam ko namang alam niya na ako ang dating girlfriend ni Jeremy bago siya sumingit sa eksena eh. Kaya walang dahilan para maging mabait siya sa akin!

Pag-uwi ko sa bahay ay nag-open ako ng facebook. Syempre pa ay wala naman akong ibang ginagawa sa facebook kundi ang hintayin na mag-online si Jeremy at sendan siya ng napakaraming quotes na kuha ko lang naman sa iba't-ibang website eh. Wala akong pakialam kung magmukha akong desperada sa ginagawa ko basta makuha ko lang kahit na saglit lang ang atensyon niya. Madalas naman ay seenzone lang ako but I don't care. At least, dumaan sa mga mata niya iyong mga sinesend ko.

19. The Girl Between Us (PUBLISHED BY LIFEBOOKS)Where stories live. Discover now