"I asked eomma to let me stay and guard you and Ina noona." sagot niya.

Inangat ko ang tingin ko at nginitian si Zion. I cupped Zion's cheeks at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. Overly protective young brother. Kaya mahal na mahal namin ni Ina ito eh.

Bumalik si Zion sa pag-aaral matapos niya kong halikan din sa pisngi kung saan humalik si Chase. Umiling ako nang maisip ko na naman ang mga pinaggagawa ni Chase. I should really, really move on. He's bad for me. He's really bad for me.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Tinanggal ko ang mga hair pin sa buhok ko at sinuklay ito gamit ang suklay sa vanity mirror desk ko. Halatang halata ang pagmumugto ng mata ko dahil sa pag-iyak.

Gumapang ako sa kama ko at itinalukbong sa sarili ko ang comforter. Dahil sa lambot ng unan ko at sa lamig ng aircon sa kwarto ko ay dinalaw ako ng antok. Napagod rin kasi ako sa pag-iyak kanina. Mahirap pala maging artista. Masakit sa mata.

Nagising na lang ako nang may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko pero wala pa ring epekto. Malakas kumatok si Ina. Kulang na lang sirain niya yung pintuan ng kwarto ko eh.

"Eto na! Eto na! Gigising na ang maganda!" sigaw ko.

Tinignan ko ang digital clock sa bedside table ko at napaungot nang makitang maaga pa. Wala akong balak pumasok ngayong linggo dahil pesteng buhay to hindi ko na alam paano pa ko haharap sa mga kaibigan namin.

"Wala ka bang balak pumasok Irina?" tanong ng kambal ko mula sa labas.

"WALA!" sigaw ko habang nagsusuklay.

Pumasok ako sa banyo saka naghilamos at nagtoothbrush. Saktong paglabas ko ng banyo ay bigla kong narinig ang sigaw ni Ina mula sa labas. "Chase! Ayaw niya raw pumasok ngayon!" sigaw nito.

Nanlaki ang mata ko kaya tumakbo ako palabas ng kwarto at nakita si Chase sa sala habang pirming pirmi na nakaupo doon. "What the hell?!" sigaw ko na nagpatingin sa kanya sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at sinamaan rin siya ng tingin dahil sa tingin niya sakin.

"Checking to see if you're with Kurt or not." aniya saka siya humalukipkip at umiwas ng tingin.

"It's 6:00 in the morning, Chase! Sa tingin mo pupuntahan ko siya or pupuntahan niya ko ng ganitong oras?" ani ko at bumaba na ng hagdan.

Tumingin si Chase diretso sa mata ko at sinagot ang tanong ko. "Yes, because you are too desperate to move on from me. Why Irina?" aniya at tumayo. Akala ko ba tapos na to? "Why are you so desperate to forget your feelings for me?" dagdag niya.

"Because it started out wrong. My feelings for you are wrong. Kaibigan ka lang dapat at ang kaibigan, ay hindi minamahal ng mas higit pa sa kaibigan." ani ko saka ako humalukipkip. "I want you to start leaving me alone until I fully recover from this accident." 

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now