Ilang minuto ding tahimik. Ang mga pagaspas lang ng mga dahon at ang sipol ng hangin ang maririnig sa buong paligid.

"Pag pinaparamdam niya sakin na hindi na ako mahalaga. Ang sakit. Ang sakit sakit eh. Mahal ko pa siya eh. Mahal na mahal pa.” Ipinatong ni Thea ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Ayaw niyang makita ng binata ang kanyang pagluha.

"Hindi naman kasi habang buhay mahal ka niya. Change is the only permanent thing that exists. Wag kang mag alala hindi din naman habang buhay mahal mo din siya." Bulong ni Geoff habang dahan dahang hinahaplos ang buhok ni Thea.

Wala ng nagtangkang magsalita sa kanilang dalawa. Pinapakiramdaman lang ni Geoff ang paghinga ni Thea. Halata sa dalaga ang pagpigil ng hikbi.

"Sige na. Wala namang ibang tao." At naibuhos na ni Thea lahat ng luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata nito. Naisip niyang hindi naman pala ito masama dahil siya ang kasama niya imbis na sina Stephy at Yen.

Biglang kumunot ang kanyang mga noo. “Ikaw ang dahilan kung bakit wala si Yen sa tabi ko. Bitawan mo nga ako. Aalis na ako.” Paano niya naisip na mabait si Geoff kung siya ang dahilan kung bakit sila magkaaway ngayon ni Yen.

      

***

Thea’s POV:

Gusto ko na lang umuwi. Ito lang ang nasa isip ko ngayon. Kinukuha ko ngayon ang ilang gamit na iniwan ko sa locker.

“Bat hindi ka um-attend sa klase kanina? Saan ka nagpunta?” Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

Nakilala ko agad ang boses niya pero hindi ako nag aksaya ng panahon para tingnan siya. Wala akong balak na kausapin siya. Wag muna ngayon.

“Pa'no mo siya nakilala?” Noon palang ayaw niyang may kinakausap akong gangster. Eto siguro ang dahilan kung para saan ang tanong na iyan.

      

“Hindi kayo magka batch at lalong hindi kayo parehas ng building kaya imposibleng makilala mo yung taong tumulong sayo.” Hinila ni Ace ang braso ko para maiharap niya ako sa kanya at puwersa niyang isinara ang pinto ng locker na naglikha ng nakakabinging ingay sa Locker area buti nalang at walang tao ngayon. Walang makakarinig samin.

“Hindi ko siya kilala. Bitawan mo ako. Ano bang problema mo?” Bakit ganyan mo ako itrato ngayon? Parang kanina lang wala kang ibang mukhang bibig kung hindi yang girlfriend mo!

Binitawan naman niya agad ang braso ko pero hindi niya tinatanggal ang malalim niyang tingin. “Hindi mo hinahawakan ang kamay ang taong hindi mo kilala.” Nagpakawala siya ng isang malalim na buntung hininga.

“Wag mo na siyang kakausapin. Mapapahamak ka lang. Hindi mo siya kilala.”

“Tama ka. ‘Yun ngang matagal ko ng kakilala, nasaktan pa ko.” Nabigla ako sa sinabi ko.

Parehas kami ng nagging reaksyon. Pumikit siya habang naka kunot ang noo at nagpakawala muli ng malalim na paghinga.

      

“Just don’t talk to him. Pumayag ka na kaninang maging magkaibigan tayo hindi ba? Kaya sa ayaw at gusto mo may pakialam ako sayo.” Binuksan niya na ang kanyang mga mata at dumiretso iyon sa akin. Ilang segundo niya akong tinitigan bago gumalaw para umalis. Pakiramdam ko iniwan na naman niya ako.

Loosing GripWhere stories live. Discover now