He hold my hand at hinila na palabas sa bar. "Mukhang ang dami mo nang nainom." sumandal ako at pinatitigan siya.. ang gwapo niya at bagay na bagay ang hair style niyang mahahaba ng konti at mukhang bagong ligo pa.

Bakit kaya hindi na lang siya? Bakit sa iba pa?

"Ayoko nang uminom kang mag isa. Nag aalala ako."

"Talaga?" Sarcsm na sabi ko. "Sana all nag aalala."

"Stop it Goan, tinawagan mo na ba si Zin?" Inaalala pa rin niya si Zin. Ako ang naguguluhan.

Umiling ako. Kinuha niya ang cellphone ko at tinawa iyon. "Hello? Yes, nandito siya sa tabi ko." Agad na binigay niya ang phone.



"Babe? Bakit ka naman nag lasing? Sinabi ko sayong wag kang uminom ng wala ako riyan. Oh god mabuti nalang nanjan si Vins para i-uwi ka.." wala rin malisya kay Zin.

Ba't sa akin..

"I love you." Bagkos ay sabi ko. Napatingin si Vins at mabilis 'rin tumingin sa kalsada at nag drive.

"I love you to babe, please wag naman matigas ang ulo. Makinig ka sa akin, simpling away lang iyon nadala lang ako ng galit ko pero okay na ako, miss na miss na kita. Nagka usap narin kami ni Vins na--"

"Umuwi kana, nami-miss na 'rin kita." Walang control na sabi ko.

"One month bago pa matapos ito, uuwi ako at sisiguraduhin ko ng makasal ka sa 'akin."

"Sige.." binaba ko iyon at tumingin sa kanya.

"Naalala mo ba ang pangako mo?"

"What?" Kunot ang noo niya.

"Na ihahatid mo ako sa altar pag kinasal ako?"

"Oo." He said.

Pumikit ako. "Sasabay ka sa 'akin hindi ba? Magpapakasal ka 'rin pag kinasal ako." Nakita kong humigpit ang paghawak niya sa minebela.

"I'll promise.." he looked at me. "Pangako kong ikakasal ako pag kinasal ka."

Ngumiti ako. "Salamat." tapos unti unti nawawalan na ako ng malay.

...

2 days ago bago nangyari ang pag inom ko ng marami. At hindi rin ako inahatid at sinusundo ni Vins. Sinabi kong itigil na niya kasi dinahilan kong mapapagod lang siya. Umu-oo naman siya. Ang dali dali niya kausap ngayon dahil minsan hindi na kami umaabot sa isang araw nagkikita kami kasi miss namin ang isat isa. Pero ngayon iniiwasan kong magtama ang aming mga mata. Ayoko dahil nakikita kong nasasaktan ko siya ng di 'ko alam. Hindi ko rin siya tinitext. Hindi ko narin siya tinatawagan. No face time, and no more talk.



Bestfriend ko siya pero bakit ang bigat bigat sa dibdib na ganito kami ngayon. Alam ko na walang communication noong nasa US ako, kasalanan ko pero as his bestfriend alam ko walang mag babago. Siguro napapansin niyang umiiwas ako kaya hindi narin siya nag paparamdam.

Nilalagnat ako ngayon dahil sa epekto ng sakit ng ulo ko tapos naulanan pa. Wala akong kasama sa condo at si Zin nag aalala na sa 'akin.

"Hello?" Bored na sabi ko habang naka higa. Ang bigat bigat ng katawan ko. Tapos feeling ko mamatay na ako ng walang oras.

"Hindi ako mapakali, pinapunta ko si Vins diyan."

"A-ano? Zin alam mo naman na nag away kami."

"Wala akong magagawa, siya lang ang kaibigan mo riyan at wala pa ako." He was worried.

Magagalit na sana ako sa kaniya ng may nag doorbell.

"He's there?" Zin asked.

"Oo.." tumayo ako ng sapilitan at ba baba na sana ng nabuksan niya ang main room ko, kung saan ang kwarto ko.

"V-vins!?" Gulat ko.

"Are you okay?" Umiling ako. Napatay ko na pala ang phone ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Pinag aalala mo ako Goan.."

"Vins.." kumabog ng mabilis ang puso ko.

"Shss! Wag ka nang magsalita." Binuhat niya ako at pinahiga ulit.

"Paano ka nakapasok?" Tanong ko.

"Duplicate."


Nag pa duplicate siya sa condo ko? Kailan pa?

Nakita kong namili siya ng prutas tapos gamot. Hindi niya ba talaga ako hahayaan? Iniiwasan ko na siya pero bakit ganito parin siya?

Pagkatapos niya akong painomin lahat lahat na nakita ko nalang ang sarili kong sinumbatan siya.


"Okay na ako, Vins. Makaka alis kana." Napatigil siya sa pag aayos sa gamit ko at tumingin sa akin.

"Okay na talaga ako, salamat." Nag iwas ako ng tingin.

"Anong nangyayari sayo?" Hindi ko siya tinignan. Walang nangyari sa akin sabi ng isip ko, ayoko lang na makita siya dahil may kakaiba akong nararamdaman na hindi pwedi..

"Tumingin ka sa 'akin, Goan.."

"Ayoko Vins, umalis kana." Parang hirap na hirap akong sambitin ang mga katagang iyon.

"Look at in my eyes Goan." Saka ko nalang namalayan na umiiyak ako. Hindi dahil sa takot ako dahil kumpirmadong may nararamdaman na ako.

May nararamdaman na ako sa kaniya.

"Look at me fuck it!." Sumigaw na siya. Agad ko siyang tinitigan. Nakikita niyang umiiyak ako. "Naala mo ba kung ano ang pangako ko? Na hindi ko makikita ang mga luhang iyan dahil sasaktan ko kung sino ang mag papa iyak sayo?" Matigas na sabi niya. Naka yukom ang kamao niya.



"Now tell me Goan, anong nangyari? Why did you f*cking avoiding me. Why have you let me feel me this way? Bakit mo pinaparamdam sa akin na parang wala ako? Akala ko ba magsasama tayo hanggang sa pagtanda?"

"Hindi ko alam, Vins." nakagat ko ang labi ko.. "hindi ko alam kung bakit tayo nagkaganito. Hindi ko rin alam sa sarili ko kasi ewan ko.. I don't know."

Alam ko pinapakalma lang niya ang sarili niya. "Isa lang ang gusto ko.." bumaba ang tingin ko. "Lubayan mo na ako, Vins."

Continue...

That man 5: VINS TIBBLE(COMPLETED)Where stories live. Discover now