"oo nga naman, hindi talaga makikita ng taong nagpapatangay sa agos ng tubig ang katotohanan, pero ito ang tandaan mo darating din ang araw na magsisisi ka sa ginagawa mo"makahulugan nya sabi

wala na akong pakialam kung ano pa ang sabihin nya, at alam ko naman na inutusan lang sya ng inay ko para mauto ulit ako.

patuloy pa rin ang araw at lalo akong nagbago kung dati pumapasok pa ako kahit paano sa school ngayon ay hindi na, natuto na rin ako magbisyo tulad ng paninigarilyo, na syang naging dahilan upang mag sumbatan kami ni inay.

"hindi ka ba talaga naaawa sakin o kahit sa sarili mo na lang? tignan mo sarili mo sana hindi na lang ang itay mo ang namatay kaw na lang sana"

"maawa senyo, hindi pero sa sarili ko puede pa pero wala na akong pakelam, alam ko naman na hinihiling nyo yun eh na ako na lang sana ang namatay at hindi si itay dahil alam ko naman sa simula pa lang WALA NA KAYONG PAKELAM SAKIN, di ba tama ako"

"ayan ba ang ipinagmamalaki mo sakin yang ugaling natutunan mo sa labas, wala akong pakelam sayo, araw-araw na lang kaw na lang ang iniintindi ko kulang na nga lang pati paghanap ng pagkain nyo, wag ko na hanahip at kaw na lang ang paglinkuran ko eh, maawa ka naman sa mga kapatid mo"

"awa sa kapatid ko, wala ako yan, siguro kung dati puede pa ako maawa ngayon hindi na kase , kasalanan nyo kung bakit ako naging ganito, dahil WALA KAYONG KWENTANG MAGULA AT NAGSISI AKO DAHIL KAYO ANG NAGING NANAY KO"- galit na sabi ko

"ang sakit pala no na mismong anak mo ang nagsabi na 'wala kang kwenta ina'. na kahit na ibigay mo na ang lahat sa kanila kahit na isang sentimo sa bulsa mo nakalaan para sa kanila. At ngayon ako pala ang dahil kung bakit nagkaganito ang pinakamamahal kong anak, patawad anak, at siguro nga huli na para mapatawad mo ako, sige na malaya ka na iisipin ko na lang na patay na ang mahal kong anak kasabay ng kanyang ama"umiiyak nyang sabi

bakit ganito ang sakit dito sa puso ko, dahil siguro ang hinintay kong kasagutan ay talagang walang kasagutan at isipin na kahit buhay pa ako ay patay na ako o yun kasagutang hinihintay ko. ano nga ba talaga? 

nandito ako ngayon sa park kung saan maraming tao at pamilyang nagbobonding

"namimiss mo ang pamilya mo no"-tanong ng batang katabi ko hindi ako sumagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko

"okie lang kung hindi mo ako sagutin, naiintindihan kita, alam ko ang nararamdaman mo, pero sana bukas mo ang isip't puso mo."-patuloy nyang sabi

"alam mo napakaswerte mo, dahil kahit paano na riyan pa ang nanay mo, na nagaalaga't nagmamahal sayo at lalong handang maghintay sa iyong paguwi pag hindi ka pa dumadating, nagtataka ba kung bakit alam ko yun lagi ko kasi syang nakikita sa tapat ng bahay nyo na naghihintay pag nagbabasura ako, alam mo kung bakit ka maswerte kase ako lahat ng yan gusto kong maranasan, wala na kasi akong magulang namatay sila ng tatlong taon pa lang ako kaya eto ako na mismo ang bumubuhay sa sarili ko, at hindi ko man lang nasabi sa kanila na 'Mama Papa salamat kase binuhay nyo ako at hindi nyo ako ipinaabort."- umiiyak nyang sabi

"Sana makita mo na mahal ka ng inay mo kahit na sabihin na hindi ka nya masyadong nabibigyan ng pansin, kaya lang naman nya mas iniitindi ang ate dahil mas mabibigyan ka nya ng magandang kinabukas pag natapos na ang ate mo, at sa kapatid mo naman masyado pasilang bata para maranasan ang ganyang buhay, ang mali lang naman ng inay mo ay nagtiwala sya sayo na maiintindihan mo sya dahil ang lama nya ikaw ang may kakayahan mabuhay kahit wala sya sayo. Sana mapatawad mo ang inay mo at ang sarili mo, bigyan mo ulit ang sarili mo na lumigay sa piling ng iyong pamilya, alam kong naghihintay pa rin ang nanay mo sayo"nakangiting sabi nya at tumakbo na

ilang araw na rin ang lumipas mula ng makausap ko ang batang lalaking nagbabasura. maraming akong tanong sa sarli ko tulad na lang ng 'maswerte nga ba ako' , 'masyado ba akong nawalang ng tiwala't pagmamahal sa nanay ko' at 'kaya ko ba talagang mamunhi sakin ang inay ko'. kaya naman may ginawa ako para sa inay ko.

dear, mahal kong Ina

Inay, una sa lahat maraming maraming salamat dahil binuhay nyo ako at higit sa lahat ituro sakin ang salitang pagmamahal, Inay mahal na mahal ko po kayo, nagsisisi ako kase hindi ko man lang nakita na mas kailangan nyo ako, hinayaan kong kaiinin ako ng selos at inggit, Inay sana mapatawad nyo ako sa lahat ng pasakit na ginawa ko, at kung hindi naman hindi ko po kayo masisisi, isa akong walang kwentang anak, Inay mahal ko po kayo kahit na mamatay ako ngayon. kung sakaling mabasa nyo po ito siguro wala na ako dito.hanggang dito na lang po muli humihinggi po ako ng kapatawaran nyo at SALAMAT INA, MARAMING SALAMAT.

                                                                      ang inyong anak na nagmamahal sayo,

                                                                                             Eurika Rose

♥♥♥♥♥

pls. read and vote

tnx po sa lahat

i hope magustuhan nyo. ^_^

Salamat Ina(one-shot)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن