Make It Right √

22 3 1
                                        

As always nandito nanaman ako sa rooftop namin at tamang nood lang sa kanya sa malayo. Im at the 7th floor of our apartment and he's on the 5th floor of their house.

Yes nasa 5th floor siya dahil nandoon ang court nila. He's always there. Playing basketball. Minsan alone. Minsan naman kasama niya mga kaibigan niya.

He's studying in a private school while im in public. Mayaman sila ako nakikitira lang.

Nagkakasalubungan din kami niyan minsan pero parang wala lang ako sakanya. Iyon bang parang magisa lang siya dumadaan kahit nagkasalubungan kami?.

MY CHILDHOOD BESTFRIEND yes he is. My mom even worked for them as a maid.

Nung una pa kaming nagkakilala, 'yong first time na lumabas ako ng bahay namin. Then yung time na nag trabaho na si mama sa kanila doon lang ako nakalabas.

Unang meet namin s'yempre mga bata kami ay palakaibigan din ako dati. Nakipaglaro ako sakanila. We're actually four bestfriends back then. Tatlo kaming babae at isa lang siyang lalake. Sa kalagitnaan ng tawanan namin, napagusapan nila ang tungkol sa kanila at saakin. Magkakaibigan daw talaga sila dati kaso noong dumating daw ako ay nasira na.

But since wala pa akong masyadong alam sa mga bagay bagay ay hindi ko inintindi ang sinabi niya. Dahil ang pagkakaintindi ko doon noon ay nasira iyon dahil dumagdag ako sa kanila at nabilang sa pagiging magkakaibigan.

Hanggang sa magtagal ay mas lalo pa kaming napalapit sa isat isa. May minsan pang mas gusto niyang katabi ako sa comshop na pagmamayari nila noon. Until the two of us girls have a crush on him.

Kahit na may gusto ako sa kanya ay mas pinili kong manahimik at ipag ship na lang silang dalawa.

Flashback.

"Inna? May gusto ka kay chase no? Yiiiii" pangaasar ko sa kaibigan kong si inna habang naglalakad kami pabalik sa bahay nila.

"Oo." Sabi niya na natatawa pa.

"Yiee. Sabihin ko sakanya sinabihan mo siyang i love you ahhh." Sabi ko habang tumatawa at sinundot sundot ang tagiliran niya.

"Sige, Sabihin mo sa kanya i love you hahaha" sabi niya kaya bahagya akong natigilan. Ngunit madali ring nakabawi upang hindi niya mapansin.

"Ikaw ah. Crush na crush mo talaga siya ah". Nag iwas na lamang ako ng tingin at tumawa.

End of flashback.

Mayroon pang time noon na sinabi niya saaking aksidenteng nagkahalikan daw kami ni chase habang naglalaro kami dati.

Habang ako? Hindi ako naniniwala kasi alam kong gawa gawa niya lang yon.

But still. Half of me believed in her, If its true or not.

Lagi kaming nagtatawanan ng lalakeng yan noon at masyadong close na halos lahat ng mga kalaro din namin sinasabing may gusto daw kami sa isa't isa.

One time pa nga yung kapit bahay namin may anak na bata at sa sobrang cute ay lagi kong nilalaro at kinakarga.

Na lagi ring nilalaro ni chase at kinakarga. Then one time again nakita ko yung batang kakilala ko at sinabing anak daw namin ni chase yon.

Ampucha mga par shempre medyo kinilig ako inside but outside of course i Bluffly frowned.

Last time kaming nagusap is two years ago. Pero ngayon, wala nang paramdaman, by wala, as in wala na talagang pansinan. Awit.

At ang malala pa hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin.

But everytime im going out, his little gestures were literally giving me hopes. Like fucking what? I was watching him secretly sometimes in any possible way like, watching him in my peripheral view. Everytime i go out, I noticed him looking and staring at me sometimes. Like, Hell! Ano bang ibig sabihin ng mga bagay na 'yon? He's giving me a goddamn hope that I'm assuming too much!

Make It Right √ [OneShotStory]Stories to obsess over. Discover now