Katllen's POV

Sa sobrang pagka-distract ko, 'di ko namalayang nakatulala na pala ako sa isang bagay. Na-realized ko lang 'yon nung ikinaway ni Connor ang kamay nya sa harap ng mukha ko na nagbalik sa'kin sa Mundo. "H-ha? O-oh! S-sorry! Uhmmm oo uhm--ay! 'Andito na pala tayo? Uhmm s-sooo.... Bye na?" sabi ko at napatawa ako ng bahagya na tila ba ako ay kinakabahan sa 'di malamang dahilan.

Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya at lumipas ang ilang sigundo nang mapagtanto ko na kasalukuyan akong hinihila ng mala-Snow White kong kaibigan patungo sa direksyon ng aking tahanan. "H-hey?! K-kaya ko naman maglakad mag-isa ah!"

Galit ba siya? Bakit naman? Dahil nag-iinarte nanaman ako? I'm confused now. 

Connor's POV

Hah, inunahan ko na siya! Alam kong kung saan-saan nanaman siya pupunta e! Ugali niya kasing maglakad-lakad sa mga lugar na alam kong madalang o hindi pa niya napupuntahan kapag wala siya sa mood. Gusto ko lang masiguro na uuwi siya kaya ako na mismo ang humila sa kanya pauwi sa bahay nila. Alam ko din na once na nakapasok na siya sa bahay nila kahit walang tao, hindi na siya lalabas. "Papahirapan mo nanaman kami ni kuya Aki sa paghahanap sa'yo kaya naman sisiguraduhin kong makakauwi ka na nang diretso!" Pagalit kong sinabi habang hila-hila ang kanyang braso.

Nagko-complain siya nung mga time na 'yon pero tumahimik na ulit siya nung nasa harap na kami ng gate nila. Binitiwan ko na siya at tinulak papasok ng bakuran nila "Wag kang aalis d'yan!" I keep on scolding her that time.

Katllen's POV

'Di nanaman lulubay 'to kaka-scold sa'kin. Hay nako!

Wala na kong magagawa, nandito na 'ko eh. Ngumiti nalang ako ng pilit, signos na pumapayag na ako sa gusto niya. "Opo, lolo! 'Di po ako aalis ng bahay!" Pabiro kong sinabi para naman mapagaan ang aura sa paligid. Pagkasabi ko noon ay tumahimik at tumango na lamang siya sabay ngiti. "Good girl! O siya! Kita nalang ulit tayo bukas! Ba-bye Meow Meow!" pang-aasar niya sa akin. "Che! Snow White! Sige na! Ba-bye na! Ingat sila sayo!!! May date pa kayo ni Rapunzel!" Sigaw ko na bahagyang nagpa-pula ng kanyang mukha. Hah! Akala mo ha! Konting ebidensya nalang, mapapatunayan ko na na crush niya si Azmaria! Haha!

'Di na kami nagtagal sa pakikipag-lokohan sa isa't-isa at umuwi narin siya.

Connor's POV

On my way home, 'di maikakailang masaya ako ngayon. Hay nako, ito talagang si Kat oo! Puro kalokohan!  Feeling ko nga 'di magiging kumpleto ang araw ko kapag hindi ko narinig ang pang-aasar niya sakin!

At last! Nakauwi na rin! Pumasok na ako ng aming tarangkahan at binaybay ang malaking pintuan sa harap ng aming bahay.

As usual... Walang tao... "Hayst... Sabi ko na nga ba e..." bulong ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa hagdan paakyat ng aking silid.

Sa wakas, nakarating din! Pagpasok na pagpasok ko, ibinaba ko na agad ang bag ko sa isang mesa at lumapit sa aking damitan. Nagpalit na ako ng damit na pambahay at ibinagsak ang aking sarili sa higaan.

"An'laki nga ng bahay na ito, pero kadalasan, ako lang ang tao..." sabi ko sa aking sarili habang nakatitig sa puting kisami na nasa itaas ko. Gaya nga ng sinabi ko, ako lang mag-isa... Si Lolo, sabi niya aalis muna siya ng ilang araw para sa nga business appointments niya sa iba't ibang lugar.

Papikit na sana ako dahil sa palagay ko ay unti-unti ng hinahatak ng antok ang katawan ko dahil sa haba ng araw ko ngayon pero... Ibinukas kong muli ang aking mga mata sabay pagkurba pataas ng nga sulok ng aking mga labi aa kadahilanang may ilang bagay na sumagi sa aking isipan...

Si Katllen... Ah.. Ang pulang pusa talagang iyon!

Natawa ako sa aking sarili sapagkat naalala kong muli ang pang-aasar niya sa akin! Ang babaeng 'yon... Masyado na siyang maraming nalalaman tungkol sa lihim na pagtingin ko kay Azzy! Kailangan ko na siyang itumba! Biro lang!

Ini-rebisa kong muli ang nga scenarios na nangyari sa amin kanina na sa pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng aking puso!

Pero... Sa isang sulok ng aking isip... May isang tanong ang tila ba ayaw akong lisanin ngunit hindi ko pansin...

"Ano ba talaga ang nakapagpapasaya sa'kin? 'yung pang-aasar niya? O walang iba kun'di siya?"

-----------------------------------------


_(:з」∠)_
~End of Chapter One~

Untold Secrets
by EleanorRigbyFlores

Hoooo yezzz!!! So ayun na nga no? Na'revamp' ko na din 'tong chappie na 'to!!

-EleanorRigbyFlores ^ω^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untold SecretsWhere stories live. Discover now