"Z--zane"
tawag sa akin ng di ko kilalang babae
Nakahiga ito , at pinaliliguan ng dugo
Nakatingin ito sa akin na parang humihingi ng tulong
Lalapitan ko na sana ito ng may naramdaman akong malamig at matulis na bagay sa aking leeg
Di ako makagalaw dahil sobrang higpit ng hawak nito sa akin
Ramdam ko ang hapdi nito dahil sa pagkabaon nito sa aking leeg
Di ko makita ang taong nasa likod ko
Ramdam na ramdam ko ang bilis ng paghinga nito
"w--wag m--mo siyang s--saktan"
pagmamakaawa ng babae
"Pinatay niyo , pinatay niyo sila , KAYO ANG MAY KASALANAN !"
Naramdaman kong basa ang aking balikat at pansin rin sa boses ng lalaking nanginginig ito
Nakadagdag ng sakit ang paggalaw nito
wala akong magawa , dahil natatakot ako
ayokong magaya sa babaeng nakahandusay sa harap ko
"BITIWAN MO SIYA !"
lumipat ang aking tingin sa sumigaw , nakahood at nakamask ito , may hawak itong baril at nakatutok sa pwesto namin ,papalapit ito sa amin
"WAG KANG LALAPIT ! PAPATAYIN KO SIYA "
"please , pakawalan mo ako, ayoko pang mamatay"
halos bulong na pagmamakaawa ko
nanginig man at nahihirapan ay nakapagsalita rin ko
"hindi , kailangan nilang pagbayaran ang lahat"
ang alin ?
ano bang nangyayari ?
"wala siyang kasalanan, wag mo siyang idamay"
Napapikit na lang ako sa mga nangyayari
bakit wala akong alam ?
bakit pati ako ?
"Bakit ? Bakit pati siya pinatay niyo ? wala din naman siyang kasalanan di ba ?pero ano ? pinatay niyo siya ng walang awa"
humalakhak ito na parang demonyo
Itinutok nito ang kutsilyo sa may hawak na baril
"Pagbabayaran niyo ang lahat"
Napapikit ako ng makitang isasaksak na nito sa akin ang kutsilyo kasabay nito ang dalawang pagputok ng baril
-----------------------------------------------------------
"HOY BRUHA ! GUMISING KANA DIYAN"
napabalikwas ako ng higa ng marinig kong sumigaw ang tiyahin ko kasabay ng malalakas na sunos sunod na katok
"Arrrghh ! Tita naman eh !"
tumayo na ako sa higaan ko at dumiretso sa pintuan para buksan
Tumambad sa akin ang nakapamewang na si Tita Chambe, nakataas ang kilay nito habang nakangiwi
"Bakit po ? Ano pong kailangan niyo"
kalma kong tanong
"Aaaraaaay !"
napasigaw ako ng pingutin ni Tita ang tenga ko
"Anong bakit po ? Late kana sa school , ang tigas ng ulo mong bata ka , di ka pa naligo ,Anong gusto mo---------taratatatatatatatatatatat boom boom pew pew "
Di ko na pinakinggan ang ibang sinasabi ni Tita at nagsimula na akong mag igib , para sa panligo ko
Naalala ko na naman ang panaginip ko
Bakit ganon?
Nakakatakot naman , di ba pwedeng si crush na lang?
Para kahit sa panaginip man lang na maging kami
Sino kaya yung babaeng yun?
Sino si Zane ?
May past life ba ako at Zane ang pangalan ko dati ?
Pak ! Bongga
Galing pala ng Past Life ko
"Hoy tulala ka diyan ! Bilisan mo at absent kana sa first subject mo !"
Halos mabingi ako sa sigaw ni Tita
"Opooo , Naku Tita ang aga aga nagsusungit ,sayang po ganda niyo"
sabay ngiti ng pagkalapad lapad
"Sus , nambola pa itong batang to , bilisan mo !"
"Opo eto na , eto na nga po oh , papasok na sa cr"
nag flying kiss pa ako bago ko sinara ang pintuan
