Chapter 17 Cold War

54.1K 999 2
                                    

Maxx

        "Magkwento ka, Bruha."

        Napapitlag si Maxx ng basta na lamang bumukas ang pinto ng opisina niya at iluwa noon ang pinsan niyang si Florence. Bukod kay Enzo ay dito lang siya close. Ngiting-ngiti ito at kagaya ng dati ay very revealing ang pananamit. Halter dress na itim na halos hindi lumampas sa kuyukot ang suot nito. Four inches na stilettos at may makinang na alahas sa magkabilang braso.

        "Two weeks kang nawala kasama ang "papa" mo."anito na umupo sa receiving chair. "Nag-enjoy kayo no?" Puno ng kalaswaan ang tinig nito.

        "Bakit ka nandito?"malamig niyang tanong. Gusto niyang makitang nakangiti din ang sarili niya tulad nito pero mukhang hindi niya magagawa. May cold war sa pagitan nila ni Enzo simula ng araw na pagtangkaan siya nito. Parati silang nag-iiwasan. Umaalis ng maaga si Enzo sa bahay nila at gabing-gabi na kung dumarating. Sa ibang kwarto din ito natutulog. Tanguan lang kung mag-usap sila, kung maituturing ngang pag-uusap iyon. Bumalik siya sa kumpanya nila dahil nakakaburyong sa bahay nila ni Enzo. Nagpaalam siya dito at sumang-ayon naman ito. Pagkatapos noon ay hindi na lalo sila nag-usap. Strange pero nasasaktan siya at nahihirapan.

        "Ano bang klaseng tanong iyan? Natural kinakamusta ko ang buhay may-asawa mo, pinsan."ani Florence. "Sinasabi ko na nga bang may lihim na pagsinta iyang Enzo na iyan sa iyo. Kung hindi'y sana ay hindi ka pinilit na magpakasal. Kaibigan lang daw e ano't kulang na lang itanan ka niya."kinikilig na sabi ni Florence.

        "Hindi ganoon iyon."mariing tutol niya.

        "Mag-deny ka pa, Bruha."anito. Endearment nito sa kanya ang pagtawag na "bruha". Brutal itong magsalita at asal kanto kaya inis na inis dito ang buo nilang angkan but not her. Natutuwa siya dahil isinasantinig nito ang gustong sabihin.

        "Kailangan ko iyong gawin para sa kumpanya."pagsisiwalat niya dito ng totoo.

        "O cmon."ayaw nitong maniwala.

        "Baon kami sa utang sa bangko dahil kay Mama."sabi niya. "Then ang papa naman ay isinanla ang rights niya sa kumpanyang ito kay Enzo. Kaya noong naglayas si Julliene ay natakot ang papa na mawala sa kanya ang kumpanya."

        "Kaya kahit ayaw mo ay ikaw ang napakasal?"dugtong ni Florence. Hinilot nito ang biglang sumakit na sentido.

       Tumango siya bilang pagsang-ayon.

        "Bakit hindi ka nakipag-usap ng maayos kay Enzo? Magkaibigan kayo, right?"

    "Siya ang may gusto nito."napasinghap si Florence sa sinabi niya tanda na hindi ito makapaniwala. "Sa tingin ko ay gusto niyang pasakitan si Julliene. Hindi kaya ng ego ni Enzo na mapahiya sa harap ng madaming tao."

        "Hindi ganyan ang pagkakatingin ko sa kanya."ani Florence. "Napakabait niya sa iyo."

        Nagsimulang umagos ang luha ni Maxx sa huling pangungusap ni Florence. Mabait naman talaga sa kanya si Enzo pero--

        "Ano ka ba, it's not the end of the world!"pangongonsola ni Florence. Iglap ay nasa likuran niya ito at niyakap siya.

        "Kaso naguguluhan ako, maraming what if's na tumatakbo sa isip ko."aniya sa pagitan ng paghikbi. "Saka hindi ko na siya kilala ngayon."

        "Sinasaktan ka ba niya?"untag ni Florence. Galit ang tinig nito.

        "No!"mariin niyang tanggi. Halos pasigaw na iyon. "Hindi kami nag-iimikan. Walang pansinan. Ang layu-layo niya na."paliwanag niya sa totoong estado ng relasyon nila ni Enzo. Inilihim niya na lang ang ugat ng panlalamig nito sa kanya. Partly ay sinisisi niya ang sarili dahil sa pagdadamot niya dito ng kanyang sarili. 

My Substitute Bride and Wife (Completed)Where stories live. Discover now