Tapos na ang panahon ng pagmumukmok
Sa pusong tumigil na sa pagtibok
Ubos na ang boses sa kasisigaw ng pangalan mo habang ika'y lumalayo
Tuyo na ang mata sa kaiiyak
Sa pagluluksa sa ating nakaraan
Akala ko dun na matatapos
Ang agos ng sa buhay kong ito
Akala ko rin dun na mahihinto
Ang dakilang relo sa pag-ikot
Sa pagsuong ko sa dilim na ito
Milyong beses kong nasabing "Pagod na AKO!"
Tila baga ang layo ng liwanag
Dahil purong dilim ang nababanaag
O tama nga talaga sinta
Di lahat ng panahon maulan o maaraw
Bagkus ang tanging natitira lang
Ang aral na umaalingawngaw
"Sana wala na lang", ang aking maling hiling
Dahil para ko na ring hinihinging
Tanggalin niyo po ang kulay
Sa bawat halamang nagbibigay kulay
Buhay ko may di lapis na mayroong pambura
Basta alam kong di matitigil ang aking pagpinta
At pag-ukit dito sa'king kaluluwa ng katagang, "Dahil sa'yo mundo ko'y nag-iba."
YOU ARE READING
Himig ng Pagsinta
PoetrySiguro nga ang pag-ibig ay isang bagay sa ating buhay na hindi nahahawakan o nakikita. Pero sa bawat yugto ng ating buhay dama ng ating mga puso ang galak na sa ati'y nagpapalutang at dalamhati na kabilang banda nagpapalugmok. Sana sa mga tulang ito...
