"So? What's new with you?" Excited na tanong ni Laine sa amin. Matagal na din kasi simula nang huling girls night namin.

"Alam niyo ba? I met this really nice guy in a coffee shop. Feeling ko may chance kami." Kinikilig na kwento ni Maddie.

"Really? Baka naman nag hahanap lang ng maii-scam 'yan?" Pang asar na birada naman ni Beatrice habang tumatawa.

"Gaga! Good boy kaya siya. He likes books." Kibit balikat na sabi ni Maddie.

"In short, boring?" Biro naman ni Laine na sinundan ng halakhak.

Nakikinig lang ako pero natawa nalang din ako sa pinag uusapan nila. Gustuhin ko mang ikwento na wala na kami ni Scor eh ayoko namang ma spoil ang gabi namin.

Dumating ang inumin at nagsimula na kaming uminom ng shot. Tatlong beses kong sinunod sunod ang shot ng tequila. It was kind of funny because somehow, I hoped that it would numb the pain that I am feeling.

"Guys! Mag hi kayo sa story ko!" Bulalas ni Laine habang itinatapat sa amin isa isa ang kanyang phone. Nag pose ako at nag shot pa ng tequila habang naka tapat sa akin ang camera.

"Oh my gosh! Oh my gosh! I'm gonna dance!" Tili ni Beatrice matapos ang ilang rounds ng shot.

Medyo tinatamaan na din ako lalo na at wala pa akong kain. Gumagaan ang katawan ko at pakiramdam ko ah gumagalaw ang paligid ko. Sinundan ko si Beatrice sa gitna at nag-sayaw. Hilong hilo na ako pero parang walang mapag lagyan ang energy sa katawan ko kaya sumayaw pa ako.

Hanggang sa may nararamdaman na akong lalaki na sumasayaw sa likod ko. Sinakyan ko naman ang pakikipag sayaw niya at ikiniskis ko pa ang puwet ko sa harap niya.

Ang tagal naming nag sasayaw hanggang sa napag pasyahan kong humarap at sinalubong ako ng pagkaka gwapong lalaki na matangkad.

"Hey!" Malanding bati ko.

"Hi cutie! What's your name?" Barito ang kanyang boses. Ang laki, parang mga muscles niya.

"Sophia!" Pagsisinungaling ko.

Rule number one in flirting, never ever tell your real name. Lalo na kung alam mong one time thing lang.

"Nice to meet you! I'm Ramil." Sabi niya habang nakikipag sayaw pa din.

I moved closer to him as I wrapped my arms around his neck. Mas lalo kong idinikit ang katawan ko sa kanya at ganoon din siya. Ang init init ng pakiramdam ko pero parang hindi ako napapagod. Napaka hot ba naman kasi nitong katapat ko eh!

Nag-eenjoy lang ako habang kasayaw siya pero nag-iba ang timpla ko nang bumaba sa pwet ko ang kamay niya. Bigla ko siyang naitulak nung pinisil niya iyon.

"Oops! Sorry, that's off limits." I tried to play it cool kahit na medyo nabastusan ako sa ginawa niya.

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad na akong bumalik sa pwesto namin kanina. Wala doon ang mga kaibigan ko at sa halip ay ibang tao ang naabutan ko doon. Ang taong iniiwas-iwasan ko.

Relax na relax ang pagkaka upo ni Scor doon. May hawak itong isang baso ng whisky. Walang yelo iyon. Sambakol ang kanyang mukha at sinundan niya ako ng tingin habang palapit sa table.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon