"Hoy Fret! Halika nga dito kung saan saan ka nagpupupunta, hindi ka naman mahal! " anong connect tss.. Napaka supportive talaga neto kahit kailan .
Ako si Fretrein Synell Vernela isang babaeng simpleng lang, isang babaeng napakatanga, isang babaeng nahulog sa isang lalake, pero hindi sinalo.
Isang babaeng patuloy na nasasaktan noon at hanggang ngayon.
Isang babaeng umaasa lamang sa imagination.
Isang babaeng hindi minahal at hindi na mamahalin pa.
Ano ba kase yong feeling ng isang inlove at ng isang may crush?
Andami kong tanong, andami kong Bakit? na hindi ko rin lang masagot.
Akala ko kasi mahal kona.
Akala ko totoo na.
Akala ko hanngang dulo akala ko mahal ako.
Pero Akala lang pala lahat.
Nakakatuwang isipin na pinagpaplanuhan at iniimagine ko na yung future ko, yung future ko sa isang tao.
Sa hindi kasi inaasahang panahon napaibig ako, napa-ibig ako ng biglaan , napaibig ako sa maling tao.
'taong minahal ko pero hindi ako mahal'
Pero lahat ng iyan hinayaan ko kasi akala ko makakamove on ako, na akala ko makakalimutan ko agad Sya, na akala ko may dadating pang iba, pero umasa nanaman ako... Mali lahat ng akala ko.
---
Grade 8 ako nang
Nagsimula akong humanga sa isang lalakeng bumili lamang sa loob ng palengke at ayon nakatambay lang ako sa waiting shed ...pauwi na kasi galing school.
Tapos biglang lumabas sya ng palengke sinundan ko sya ng tingin hanggang malaman kong katabi lang pala ng pinag-aantayan ko ng service ang bahay nila .
Feeling ko nung araw na yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ko .
Kaya simula noon nacurios ako kung anong name nya, anong age nya, anong ugali nya, anong klaseng tao sya..
Kaya lahat inalam ko tungkol sa kanya, lahat ng pamilya nya inalam ko, ugali nya, birtday nya, relationshit nya inalam ko lahat nyan pati plate number ng motor nya...
Dati gustong-gusto ko malaman ang lahat ng tungkol sa kanya pero ngayon parang ayaw kona, ayaw na ng isip ko pero gusto parin ng puso ko kahit sobrang sakit na.
Kahit masaya sya sa iba patago ko syang minahal... Lahat patago
Pagdating sa kanya.
Minsan nga napapaisip ako 'Bakit sa dinami dami ng lalake sa mundo sa taong may mahal na iba ako nagmahal? '
Bakit ako nagmahal ng isang basagulero
Sa isang maninigarilyo
Sa isang manginginom, lasenggo
Sa isang mayabang
Sa isang badboy
Sa isang puro tattoo ang kamay
Sa isang adik
Sa isang taong ibon ang apelyido
Bakit ako naging ganito sayo Tan? bakit?
Bakit sayo pa? Bakit ako umibig sayo?
Why do I loved you?
Bakit hindi ko maalis ung pagmamahal ko sayo hanggang ngayon?
Bakit kita minamahal ng patago kung pwede namang sabihin ko sayong mahal na mahal kita?
Bakit may mahal kang iba . ..bakit masaya ka sa iba?
Minsan kailangan din nating bumitaw, kailangan din nating mag let go kung hindi na natin kaya kasi masasaktan lang tayo ng sobra.
Sana maulit ang oras na hindi kita nakita noon .
Sana hindi nalang kita pinansin noon e di sana hindi ako nasasaktan ng ganito, edi sana hindi ako umiiyak ngayon.
Sana lahat ng ito Imagination lang na sana panaginip nalang.
Bakit sayo pa Tristan Geon C. Falcon bakit..?
