"Hindi ako ang nalapit sa kanya, Eris." sagot ni Anica kay Eris.
Pinanood ko kung paano tignan ni Anica ang hindi nang umimik na si Eris. Yes, Anica. She looks angelic but she's a pure devil deep inside her like the real Eris. Pinagpapasyahan lang namin dahil for crying out loud kambal niya yung lalaking mahal ko!
"Minsan ka na nga lang magsalita Eris, puro walang kwenta naman ang sinasabi mo. Next time you talk to me, please put some sense into it." ani Anica at marahas na itinapon ang hawak na tinapay kanina.
Napamura ako lalo na nang kinuha niya yung bag niya at sinimulang maglakad palayo. Inilapag ko yung iced tea na binigay ni Kurt kasama ng libro at hinabol si Anica. Humawak ako sa balikat niya para pigilan siya.
"Anica! Teka, kumain ka!" ani ko sa kanya.
Hindi siya humarap sakin pero sumagot sa sinabi ko. "I lost my appetite." aniya at tuluyan nang lumayo.
Napatingin ako kay Ina na mukhang nabother rin sa inasta ni Eris kay Anica. Shit! Anica is really nice for someone who is really rich and famous tas ginanun lang ni Eris? Lagot kay Nathalie to ngayon.
Bumaling ulit ako sa dinaanan ni Anica at nakita ko ang nagmamadaling si Nathalie papunta dito sa pwesto namin. Nanlaki ang mata ko kaya mabilis akong bumalik sa tabi ni Ina. Nanlilisik na tumingin si Nathalie sa aming tatlo kaya kaming kambal ay itinaas ang parehong kamay.
"We did nothing wrong, Nathalie. Inosente kami!" sabay na sabi namin ni Ina.
Tinuro ko gamit ang isang kamay ko si Eris na wala pa ring pakielam saka ako nagsalita ulit. "Tanungin mo kung anong ginawa!" panggagatong ko.
Tinampal ni Ina yung braso ko kaya ginantihan ko siya. Nagulat naman ako nang harapin ni Nathalie si Eris kaya mabilis kaming tumayo ni Ina para palayuin si Nathalie. Knowing Nathalie, she could be very mean when it comes to her friends. Except Eris. Hindi niya kinonsidera na kaibigan si Eris.
"What did you do?" malamig na tanong ni Nathalie sa nagbabasang si Eris.
Hindi sumagot si Eris. Nagulat ako nang paliparin ni Nathalie yung libro ni Eris. Marahan kong tinulak si Nathalie pero hindi siya umangal. Good, huwag niya kong sasaktan. Friends kami.
"Anong ginawa mo, Eris!?" sigaw ni Nathalie.
"I asked her to back off, Nathalie! You happy!?" sigaw pabalik ni Eris pero nasampal siya ni Nathalie.
Napabaling si Eris sa kabila at grabe na lang ang gulat ko to the point na hindi ako nakakilos agad. Itinulak pa ni Ina ng marahan si Nathalie. May sinisigaw pa si Nathalie at nakita ko ang pagbagsak ng luha ni Eris.
Lumalapit pa si Nathalie at akmang sasabunutan nang biglang may pumulupot na kamay sa bewang niya at inangat siya palayo. Binitawan siya ni Zach at kinausap. Akma namang lalapit sakin si Eris para gantihan ako dahil sa panggagatong ko pero hinila ako ni Chase para itago sa likod niya.
"Eris!" sigaw ni Chase.
Nakahawak si Chase sa braso ko habang nasa likod niya. Tinatanggal ko ang kamay ni Chase pero binabalik niya lang ang hawak niya. Bumaling siya kila Zach na kinakausap si Nathalie.
"Zach, you could take them to the tree where we were supposed to sit. I'll talk to Eris." utos ni Chase.
"Hand me over Irina." ani Ina at lumapit sa amin.
Tumingin si Chase kay Ina at umiling. "She stays with me." ani Chase kay Ina.
Nangunot ang noo ng kambal ko at tumingin sakin. Sinabi kong I'm okay pero bigla siyang ngumisi at nag-thumbs up. I rolled my eyes at Ina saka sila umalis. Tinignan ko si Chase na bumaling kay Eris na umiiyak.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 6
Start from the beginning
