****

85 0 0
                                    

Hi.

 

It’s been 4 months, 8 days, and 3 hours noong huli tayong mag-usap. Ang weird ko ba? Because I’m still counting? Hindi ko rin alam e. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon pa ang ibigay mo sa akin, hindi ko magawang mag-move on sayo. Hindi ko magawang kalimutan ka.

 

Gustuhin at pilitin ko man, hindi ko kaya.

 

When we talked that day, it felt like you put an end to us. It’s like you said goodbye, leaving. You completely drifted away from me. We tried to talk about our past, we try to patch everything. We tried to draw back our past and think.

 

Fourth year high school tayo noong nagkagusto ako sayo. Ikaw yung kauna-unahang lalaki na para bang kada makikita ko, pakiramdam ko sasabog yung puso ko sa sobrang kaba at excitement. You’re the only person who let me feel somersault and ecstatic. Ikaw yung kaisa-isahang nagbago sa ‘kin.

 

I hate seeing people in love. Naiinis ako kada makakakita ng couple na ang sweet-sweet sa isa’t isa. Hindi ko mapigilang magpaikot ng mata kapag may nakakasabay akong couple sa jeep na magka-akbay o di naman kaya’y magka-holding hands. Yung tipong maglalandian na lang, sa harapan ko pa. Iritang-irita ako noon. I couldn’t withstand the idea of people feeling in love. Sabi ko noon, ayokong mangyari sa akin ‘yon. Ayoko. Kasi nakokornihan ako. Naiinis. Basta—ayoko.

 

Pero kinain ko lahat ng sinabi ko.

 

Unang araw pa lang ng klase, ikaw kaagad yung napansin ko. Ang tahimik mo kasi. Pakiramdam ko, ang unique ng personality mo. Nakakahanga pa kapag nagso-solve ka ng math kasi ang galing-galing mo. Ang cute-cute mong ngumiti. Palagi akong nagnanakaw ng tingin sayo. Nangingiti ng di oras. Kinikilig. Nagmamahal ng palihim. Paulit-ulit na nahuhulog.

 

Hala. Pasensya ka na ha. Sabi mo mag-move on na ako. Sabi mo, kalimutan na kita. Pero heto na naman ako, binabalik-balikan yung nakaraan natin.

 

Hayaan mo. Last na naman ‘to e. Kaya, pagbigyan mo na ako.

 

Nagsimula ako sa crush. Pagkatapos ay nagustuhan kita. Hanggang sa dumating na lang doon sa point na hindi ko na napigilan ang sarili kong mahulog sayo ng tuluyan. Alam mo, kapag tinatanong ako ng mga kaibigan ko dati kung bakit ikaw daw yung nagustuhan ko, hindi ko mapigilang ngumiti. Kahit sabihin nilang hindi ka naman daw ganoon ka-espesyal. Para sa akin, ang perfect mo kasi. Na kahit marami kang flaws, hindi ko yun makita.

 

Mahal kasi kita, Jigs.

 

Do you remember that day? Yung activity natin sa P.E. Ang lungkot ko nun kasi absent ka. Pilian kasi ng partner noon kung sino ang magiging kasayaw mo. Sabi ko sa sarili ko, bakit ka absent? Ikaw yung gusto kong partner e. Chance ko na yun para malapitan ka, makausap, mahawakan ang kamay mo. Chance ko na yun e, nabitin pa. Iba tuloy yung naging partner ko. Pero tila naawa ata sa akin ang tadhana.

 

Nung pumasok ka kinabukasan, naghahanap ka ng partner. Gusto ko sana mag-volunteer. Kaso, kawawa naman yung partner ko. Pero alam mo, sobrang saya ko nung hinila ako ng mga kaibigan ko, noong sinabi nila sa akin na sinabi mong gusto mo akong maging partner. Na nanghihinayang ka kasi may iba na akong partner, sa halip na sana ay ikaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SanaWhere stories live. Discover now