SANA

18 0 0
                                    


Sana tayo na talaga,
Sana wag mo ko iwan,
Sana mag stay ka,
Sana takot ka din mawala ako.

Mga bagay na hinihiling ko dahil alam kong unti unti nang nawawalan nang pag asang babalik kapa sa piling ko at muli akong makasama.

Sana bumalik kana sa dati,
Sana maging sabik ka ulit,
Sana makita ko na ulit ngiti mo,
Sana mangyari nga.

Ang mga katagang binitawan ko sa sitwasyong nahihirapan kung ano na ba ang dapat kong paniwalaan, ang mahal mopa ako o hinihintay mo lang na manghina ako saka ka mangiiwan.

Sana nga hindi mangyari,
Sana hindi matuloy,
Sana akala ko lang,
Sana mali lahat ng iniisip ko.

Oo nga, sana nga dimoko iwan, kasi alam mong andito pako kahit na durog na durog nako pilit ko pang nilalaban kahit alam kong talo nako pero bakit di pako sumusuko? Dahil ba may pag asa pa ako o talagang bulag lang ako sa katotohanang wala na talaga akong halaga sayo.

Sana nga malaman mo,
Na ang nararamdaman ko ay totoong totoo.

Sana nga malaman mo,
Na takot akong mawala ka sa buhay ko.

Sana nga malaman mo,
Na lahat nang mga "Sana" nato ay totoo.

SPOKEN POETRY Where stories live. Discover now