KAIBIGAN

28 0 0
                                    


Ang sayang bumalik sa nakaraan,
Nung tayo pa'y nagtutuksohan,
Parating nagkwekwentuhan,
Mga tawang naglalakasan,
.
Pero nagbago ang lahat nung ika'y Lumisan,
At ako ay iyong iniwan,
Labis akong nasaktan dahil sa iyong paglisan,
Ngunit wala akong karapatan para ika'y pigilan,
Dahil ang Turing mo sa akin,
Ay kaibigan mo Lang,
.
Kaibigan mo na akala mo walang nararamdaman,
Yun naman pala,
Labis ng nasasaktan,
Kahit anong tulak ko sa sarili ko,
Wala paring magbabago,
Sapagkat Hindi mo masusuklian,
Ang pag-ibig na inialay ko sayo,
.
Paano ko naman ikaw maangkin,
Kung kaibigan Lang ang tingin mo sa akin,
Pero kahit na ganyan,
Kaya ko paring tiisin lahat ng sakit,
Basta Hindi parin mawawasak,
Ang pagkakaibigan na nabuo natin.

SPOKEN POETRY Where stories live. Discover now