Hi Blair!
Yan ang bati sa akin ng aking mga ka-workmates/kaibigan, kung matatawag ko nga ba silang mga kaibigan.
Hi!
Ang bati ko naman sa kanilang lahat.
Nandito nga pala kami sa restobar. Pagkatapos kasi ng trabaho nagkayayaan silang gumimik para naman daw magsaya dahil this past week ay nakakapagod ang aming pagtatrabaho. Alam niyo na, konting unwind unwind lang. Hahaha wow english XD.
By the way highway!
Ayaw ko naman talagang sumama sakanila dahil alam kong ma-out of place lang ako dahil di ko naman ganun ka-close ang mga ka-workmates ko, pero dahil nakikisama ako at bilang pagiging parte ko sa team, sumama narin ako. Pag nasa bahay lang kasi ako maalala ko lang siya.
Well, ganyan talaga ang buhay. May mga bagay talagang di mo kayang iwasan at alalahanin kung ang malaking parte nito ay isa rin sa parte ng pagkatao mo, kagaya ko. Di ko maiwasan na maisip at alalahanin ang mga kasiyahang naging parte na ng aking nakaraan. Nakaraan na kung saan nandun siya.
-------------------------*-------------------------
YOU ARE READING
Ako'y sayo, Ikaw ay akin
Teen FictionKahit ano pang mangyari, tayong dalawa parin sa bandang huli.
