CHAPTER 38 REUNITE WITH A TWIST :)

Magsimula sa umpisa
                                    

''Talaga?? Nag kamustahan ba kayo fifi??'' umiling naman ako sa tanong ni Donald.

''Alam mo, feeling ko natauhan na yung mokong na yun. Kase, tumatawa na siya ulit.'' tumatawa?

Baka naman sa piling ni Sue dun talaga siya masaya. Ano nanaman ba tong naiisip ko, hindi na nga ako mahal nung tao pinag pipilitan ko pa yung sarili ko.

MAYA-MAYA PAY PUMASOK SA CLASSROOM SI LAW, hingal na hingal ito.

''Oy, kanina pa kami nanditong gag, ka saan ka nang galing?!'' tanong ni Britt.

''O--- oy!'' bigla niya akong tinuro.

''Ano nanaman yang gimik mong yan Law? Tumira ka nanaman no?!'' tanong Venos. ''Hinde, mga gag0ng to. Inutusan ako ni Tao..''

''HAH?! BAKET?! Makikipag balikan na ba siya!?''

''Hindi naman kayo sabay-sabay no?!'' pang ngo-ngontra ko, pero bakit nga ba? Naiintriga daw ako.

''Hinde! Punta ka daw ng rooftop. Usap daw kayo.''

''Bakit sa rooftop pa?'' inis na sagot ko dito, pero kinakabahan talaga lang ako. Tinatago ko lang.

''Aba malay ko, inutusan lang ako. Dalian mo, aalis pa yun.'' nabaling yung atensyon ng lahat sa akin.. At sabay-sabay nag

''UYYYYYYYYYYYYYYYYYYY! KINIKILIG!!!''

''Tumigil nga kayo!'' si Kyd yung malapit sa akin kaya siya yung pinag hahampas ko. ''NAKOW! NANANAKIT! IBIG SABIHIN...'' nag tinginan muna sila..

at sabay-sabay

''GUILTY!'' tinakpan ko nalang yung tenga ko at lumabas ng classroom. Pag ka lock ko ng pinto..

''Mga gag0ng yun, kinakabahan na nga yung tao lalo pang pinapakaba---''

''Wala ka pa ring pinag bago. Bagal mo'' nang marinig ko ang boses na yun, lalo akong nanlamig at KINABAHAN.

Anong sasabihin ko??!

''ahh.. Ehh'' diretso lang yung tingin niya..

''WALA KANG PAKE!'' maya-maya pa'y tumawa ito.. Yung tawang matagal ko ng namimiss.. ''anong... Anong tinatawa mo?!''

''Wala. Pangit ka pa rin pala.'' nag smirk ito. Aba, yun lang yung sasabihin niya at pinapunta punta niya ako dito? Wala lang bang

'Twaylem, I miss you. Namiss mo rin ba ako?'

yung mga ganyang kataga?

Nakaka Dyahe ah!

''Ano bang kailangan mo at pinapunta-punta mo ako dito? Kung mang aasar ka lang pwedeng bilisan mo?!...'' umalis kana sa harapan ko?

Yan dapat yung sasabihin ko kaya lang, baka totohanin niya at iwanan niya talaga ako dito.

''Wala.''

wala? Anong klaseng sagot naman yun?!

''Hi..''

''Hi? Kanina mo pa ako inookray-okray diyan tapos HI lang yung sasabihin mo?'' napakamot ito sa ulo, na para bang first time lang namin nag kita.

''ano ba dapat sasabihin ko? I LOVE YOU? Mahal kita? Yung mga ganun ba dapat?? ''

''Oo yung mga ganyan...'' tumigil ako sa kadadakdak ko ng mag sink in sa utak ko yung mga sinabi niya. ''Sabi ko na nga ba yun yung gusto mong marinig.. See you around.. Eskepik!''

nginitian niya lang ako, at tsaka nag lakad na ng papalayo sa akin. Ako naman daw natutulala at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Hindi niyo ba ako tatanungin kung kinilig ako?

Ang sagot dun e, sino bang hindi kikiligin sa pesteng lalaking yun?! >__<

Hahabulin ko sana ito ng bigla namang sumulpot si Shin, at hinila yung kanang braso ko.

''Ano nanaman?! Wrong timing ka naman men e!''

''Mag iingat ka Twaylem.'' napakunot ako ng sabihin niya sa akin yun.

''Mag iingat?? Saan?''

''Kay Tao.'' tinanggal ko yung pag kakahawak niya sa braso ko, at bahagya ko itong itinulak.

''Bat naman ako mag iingat sakanya? Hoy, boy suks ahh.. Ako tigil-tigilan mo sa pan tri---'' natigilan ako sa pag sasalita nang lumapit ito sa akin, at bumulong sa kanang tenga ko.

''Papatayin ka niya.. Pag hihigantihan ka niya.'' hindi ko alam kung tatawa ba ako o maniniwala sa sinasabi ni Shin. Pero, the way na mag salita siya?

Nag iba, nakakatakot.

''Anong...''

''Twaylem, ako si Akiro ang kapatid ni Tao.''

''Ano? Diba Shin ang pangalan mo? Paanong naging..''

''Akiro Shintaro Yoshida, Yun ang totoo kong pangalan. Kaya simula ngayon, mag iingat ka. Hindi na kami magiging mabait sayo.'' matapos sabihin ni Shin yun, parang bigla akong nakaramdam ng matinding panlalamig at takot.

Pero, baket? Bakit kailangan pang humantong sa ganon?

Mamatay ba talaga ako??

To be continued...

Tama ba ang mga hinala niyo? :))

KONTI NALANG! MATATAPOS NA ANG L.A

^___^

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon