Kabanata 1

1 0 0
                                        

October 23 2018

Nagkita kami ni John, kumain at gumawa ng tesis tinulungan niya ako deadline na kasi ng kabanatang ito minadali namin ni John para naman may oras pa kaming gumala.

Nang tanghali pinasa ko ito kay sir Ambrosio nakakatawa si sir pinasa ko sa kanya yung kabanata 3 ng tesis ko nagalit ba naman sabi niya palitan ko daw yung pamagat eh siya naman nagsuggest non hahaha imbes na maimbyerna ako napalakas pang tawa ko don. Nagulohan si sir at nag tanong.

" Anong tinatawa tawa mo?" Seryoso niyang sabi.

"Eh sir sorry pero ikaw kasi nagbigay ng pamagat ayaw mo ng pamagat na binigay ko kaya nag suggest ka si sir talaga." Nadala sa charms ko kaya ayun tinanggap niya at di lang dun A+ pa.

Nililibang ko sarili ko sa mga bagay bagay mapakonti man ito. Dito ko lang kasi makakalimutan na may sakit pala ako hahaha ironic gusto kong makalimutan ang sakit ko pero sakit ko ang nagpapalimut saakin.

Hapon ng magkita kami ni John kasama mga barkada niya minsan kasi nakikisabay ang iba sa kanila para makisakay si John pa lang kasi ang legal ng magmaneho yung mga barkada niya may mga bata pa ng isa to dalawang taon. Pagkatapos niyang binaba ito dumiretso kami sa sinehan ako ang nagrequest sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na may sakit ako pero natatakot ako ayaw ko na maging ito makakaabala sa pag aaral niya o saamin.

Bumili siya ng popcorn at ako naman ang pumili ng palabas. Pinili ko yung storyang comedy/drama ayaw niya pa nung una kaso nagpupumilit ako.

"Alam ko mahal na mahal mo yang gumanap pero baby naman nakakabading yang palabas na yan puro iyakan." Lambing p niya. Di niya alam na sinasanay ko na siyang umiyak para di na masyadong masakit pag nawala na ako.

"Ayaw mo?"

"Di gusto ko yan." Pilit niyang ngiti habang inabot saakon ang popcorn.

"Tara na! Magsisimula na!" Sabay hila ko.

Habang nagsisimula ang palabas tawa ako ng tawa yung babae kasi ang serious tapos yung bidang lalaki nakakatawa. Si john naman tahimik lang na nanonood. Nakokornihan siguro kaya humiga sa balikat ko.

And nang nagbago na ang tema naging drama na di ko mapigilan ang luha ko kaya tumulo ito ng husto sabay hikbi. Binaling agad ni John yung ulo niya sakin tapos kumuha ng panyo.

"Yan kasi ang tigas ng ulo sabi ko wag ito panoorin natin kasi iiyak ka lang." sabay punas niya sa mga luha ko tapos hinila konti ang ulo ko para halikan ako sa noo. "Hay naiinis ako ang hirap mo pa naman patahanin." Sabi niya pa tapos naluluha na din nadadamay sa iyak ko. Sa sobrang cute niya napatawa ako habang umiiyak. Hinila ko siya para ibaon ang mukha ko sa dibdib niya. Hinaplos niya yung buhok ko tapos hinarap at kinurot ang pisngi ko.

"Tara na nga nababakla na ako sayo."

"Uy umiiyak din ang mga lalaki."

"Oo, pero ako sayo lang ako iiyak di sa mga palabas mong yan."

"In time." Kumain kami at agad ding umuwi may curfew kasi ako kahit legal kami higpit pa din ang parents ko.

Sinalubong kami ni dad sa may pintuqn.

"Inuwi ko ho ng sakto sa oras tito safe and sound." Ngumiti lang si daddy.

"Ayos, pumasok ka." Aya niya kay John.

"Okay lang ho nagmamadali din ako baka maabutan ako ng dilim salamat po."

"O siya humayo ka na baka kung mapano ka pa."

"Bye John." Kaway ko

"Bye Zyr." At kumaway pabalik bago pumasok sa sasakyan niya. Hinawakan ako ni papa sa balikat at hinarap sa kanya.

"Nasabi mo na ba?"

"Di ko pa masabi pa."

"Bakit naman? Kailangan niyang malaman Zyrrene para matulong ka niya, namin. Tatlong buwan ang nakaraan bago natin nalaman ang sakit mo wag mong itago yan para matulungan ka niya.

"Naghahanap pa ako ng tyempo pa. I think it's not a good time yet. Sobrang saya namin ng nakaraan ayaw kong mawala iyon."

"Mas magiging masaya ka pagsasabihin mo."

" I will daddy in time."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In timeWhere stories live. Discover now