★★BRAT, NO MORE★★

1.5K 53 10
                                    


★★★★★★★

"Where's my breakfast?!"

Ilang sandali lang ay pumasok sa kwarto ang isang lalaki bitbit ang tray. Nakapambahay. Sandong puti at itim na hawaiian shorts. Hindi maitatanggi ang katawang sanay sa workout. Makisig at matipuno. Mga brasong kayang magprotekta at tiyan na may anim na bukol ng pandesal. Kaygandang tanawin kung hindi lang sa habas ng mukha na sobrang seryoso.

"You're so tagal." Inip ng saad ni Francheska. Walang imik at nanatiling kalmado parin ang mukha nito. She raised her eyebrow. "What are you still standing there? Out!" She said pointing the door. Wayne just let out a loud sigh at tumalikod.

"Wait! Wait!"

Agad naman humarap ang binata. Nakataas pa ang dalawang kamay ng dalaga sa ere. "I want to go out."

"Not now, Cheska. An important matter came. I'll be going somewhere later this afternoon," said Wayne.

"Then, aalis ako by myself nalang."

"It's still a NO," firm and determination in his voice.

"Fine! I'll go with you nalang!"

"Hindi pwede. Importan--"

"D*mn it, Wayne! Mamamatay ako sa kabagutan dito! Mabubulok ako kasama nitong bahay mong bulok," she said with disgust roaming her eyes around the room.

Ang bahay na kinaroroonan nila ay ang lumang bahay ng mga Chavez. Hindi naman probinsiya pero malayo sa kabihasnan. Dito siya dinala ni Wayne pagkatapos silang pasukin at pagtangkaan sa bahay ng binata.

"Fine. Pero maiiwan ka lang sa kotse."

"Duh, as if I have another choice," she said rolling her eyes to him. One thing na naaasar siya sa binata dahil parang ito na ang nagpapatakbo ng buhay niya. She hated the fact that her father trusted this man. Wherein, lagi naman siyang nasasangkot sa kung anu-anong gulo kasama ito. "Once na umuwi si daddy from his business trip, I'll tell him everything. Na ilang beses ng muntik akong mapatay because of you," pagsasalita niya. Isa pa sa nakakainis ang daddy niya na hindi pa umuuwi!

"Yeah, sure," bagot na sagot ni Wayne dahil ilang beses na ba nitong narinig iyon mula sa kanya. "Kung alam mo lang. Anyway, bilisan mong kumain at pagkatapos ay maligo kana."

"You said later this afternoon. Maaga pa kaya," reklamo ng dalaga.

"Kaya nga. Just do what you're told to do. I don't want to be late," he said finality in his voice. Binuksan na ang pinto.

"I hate you!"

"Same here, spoiled brat," sagot nito. Sobrang seryoso at kalmado nito samantalang siya nanggagalaiti na sa inis.

★★★★★
After two hours......

"Where's my blush on?!"

"My lipstick, where?!"

"Look for my shoes."

"Nasaan ang comb ko?"

"Ang eyeliner!"

"Ughhh! Wala sa bag. My red lipstick, where is it?!"

Lahat yan ay si Francheska. Nakatayo lang si Wayne sa pinto habang pinapanuod siya na 'di magkandaugaga sa paghahanap ng sariling mga gamit. Tumutunog ang takong niya na paikot-ikot sa loob ng kwarto. Hindi man lang ito tumulong. Nauna siyang gumayak pero nauna parin itong natapos.

"Hindi ka pa ba tapos?"

Nilingon niya ito habang sinusuot pa ang hikaw sa tainga. Lihim niyang ikinatuwa ang pagkabagot sa mukha nito sa paghihintay sa kanya. "Maghintay ka!"

BRAT, NO MORE. (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon