Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko. Kulang ang salitang sakit at kirot para mapangalanganan ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas tong nararamdaman ko pero pinili kong manahimik.

Mas mabuting manahimik kaysa sabihin sa kanya ang totoo. Kahit nasasaktan na ako basta huwag lang niya akong layuan. Titiisin ko.

Titiisin ko zad...kahit saktan mo ako ng paulit ulit...

**

Sa lahat ng pagkakataon hindi maiiwasan ang magmahal. Basta mo na lang nararamdaman yun ng hindi mo namamalayan. Sa kaso ko, matagal ko na siyang mahal pero hindi ko ma amin amin. Hindi ko kayang ipagtapat dahil sa nararamdaman kong takot.

Takot na baka iwan niya ako. Na baka kapag nalaman niya, masisira ang pagkakaibigan namin. At ayokong mangyari yun. Ang daming mga katanungan sa isipan ko na ang hirap sagutin. Ayokong sumugal. Dahil baka kapag ginawa ko yun, mababalewala lang.

Ang hirap magmahal. Yan ang isang depenisyon sa salitang love. Napakahirap lalo na't alam mong masasaktan ka lang.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa damuhan habang nakasandal sa puno. Ginagawa ang bisyo habang nakatulala sa kawalan. Hindi na ako nakausap sa klase ko dahil parang wala akong lakas para maglakad pa. Pagkatapos naming mag usap ni zad, dumeretso na ako sa field. Gusto kong mapag isa at mag isip isip.

Nagpapasalamat naman ako dahil walang tao at hindi masyadong mainit.

"What are you---fvk! Fvk!"

O__O

Dahil sa gulat ko, naibuga ko ang usok sa mukha niya!

"Godammit! Your smoking?! At sa harapan ko pa binuga yan?!"-masungit niyang hinawi ang usok at saka lumayo sa akin ng konti.

Arte. Kung ibuga ko sa kanya lahat ng usok ko?

"Anong ginagawa mo dito?"-kunot noong tanong ko atsaka bumaling sa gilid para ibuga yung usok.

"Sayo ba tong lugar na to?"

Lalong kumunot ang noo ko sa pagiging pilosopo niya.

"Hindi."

"Eh yun naman pala eh--fvk! Stop it dammit!"-bulalas niya ng binugahan ko na naman siya ng usok.

Ngumisi ako at napailing iling sa kaartehan niya.

"Tomboy ka nga talaga. Your smoking for pete's sake?!"

"Hindi ako tomboy. Ano naman ngayon kung naninigarilyo ako? Ano bang ginagawa mo dito? Gusto kong mapag isa kaya umalis ka na dito."-taboy ko sa kanya.

"You left me."

Natigilan ako sa paghithit dahil sa sinabi niya. Di ko mapigilang magtaka. Parang may double meaning yun pero kung titignang mabuti, parang wala lang sa kanya yung sinabi niya.

"O-oh eh ano naman ngayon? Tapos na akong kumain kanina."-irap ko at akmang maninigarilyo ng hulihin niya ang kamay ko.

"Stop. Ang baho mo."-reklamo niya at tinapon yung yosi ko saka niya inapakan.

"Anong sabi mo?!"-sinamaan ko siya ng tingin.

Maka baho naman ang damuhong to. Upakan ko to eh.

"Anong pinag usapan niyo?"

Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Kailan pa to naging mausisa?

"Anong pake mo? Bads ka talaga. Hindi ko alam na tsismosa ka."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Halatang naasar dahil sa pagtawag ko sakanya ng bads.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now