FLOARE

43 2 0
                                        

Orasan ay umiikot. Iba't ibang uri ng ingay aking naririnig, maiingay na tunog ng sasakyan, ingay na nagmumula sa mga aleng nagbebenta sa may kalsada at kung ano-ano pa.

Alas-dyes na ng gabi ngunit madami pa rin mga tao ang naghihintay sa pagdating ng bus na sasakyan nila papunta sa kanilang mga lugar.

Nandito ako, nakaupo sa ikatlong hilera ng upuan habang hinihintay ang bus na papunta sa Sta. Maguinda. Naramdaman ko na naman ang lamig na palagi kong nararamdaman sa tuwing uupo ako sa pwesto na ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa na umupo sa ibang upuan habang naghihintay sa bus na sasakyan ko.

Minsan din ay nagtataka ako dahil halos 3 taon na akong sumasakay sa estasyon na ito ngunit kahit isang pasahero ay walang nagtangkang umupo sa upuan na ito. Ang iba ay napapalingon sa akin kapag uupo ako rito ngunit pinagsasawalang bahala ko na lamang ito.

Masyado akong pagod para isipin ang mga bagay na ito.

Makaraan lamang ang ilang minuto ay dumating na ang bus na sasakyan ko. Nagmadali ako tumayo at nakipagsiksikan sa mga pasaherong sasakay sa kaparehong bus na sasakyan ko. Nakahinga ako nang maluwag ng makasakay ako. Isang matandang babae ang ngumiti sa akin na nakaupo sa aking harapan may dala itong basket ng mga bulaklak ngunit sa lahat ng bulaklak na ito, isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Isang kulay asul na bulaklak na may mahabang tangkay at sa tangkay nito tumutubo ang bulaklak nito.

"Gusto mo ba umupo, anak?"

Napatingin ako sa mata ng matandang nasa harapan ko. Nakakalunod ang kaniyang mga mata na parang may gusto itong iparating ngunit parang may humahadlang dito para malaman ko ito.

"Hindi pa ito ang tamang panahon, anak."

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"

Ngumiti lang ito sa akin. Kinuha niya ang kulay asul bulaklak at inabot sa akin.

"Magiingat ka anak. Tandaan mo ang mga bagay na sasabihin ko. Bulaklak. Simbolo. Kapalaran. Kamatayan."

Kinuha ko ang bulaklak na inaabot sa akin ng matanda. Ngunit muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa biglang pagpreno ng driver ng sinasaksakyan kong bus. Lahat ay napamura at kitang kita sa mga mata nila ang bakas ng pagkagulat dahil sa pangyayaring ito.

Napalingon ako sa matandang nasa harapan ko kanina lamang ngunit wala na ito. Lumingon ako upang hanapin ito ngunit kahit anong bakas niya ay wala akong makita. Tanging bulaklak na nasa kamay ko ang tanging naiwan at naging tanda ng aming paguusap.

"Ano ang ibig sabihin niyang sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

-

Same time. Same place. Yet, i feel different.

Alas-dyes na ng gabi at naglalakad ako papunta sa estasyon ng bus. Namamaga na ang sakong ng paa ko dahil sa sapatos na suot ko. Halos buong araw ay naglakad na lamang ako ng naglakad dahil sa inuutos sa akin ng boss ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na ang mga upuan na inuupuan ng mga pasahero para hintayin ang bus na sasakyan nila. Makakapagpahinga na ako ng kahit kaunting oras.

Sa aking pagtanaw sa aking paboritong upuan, kumunot ang aking noo ng may nakita akong isang lalaki na nakaupo dito.

Nakapagtataka.

Ilan taon na akong sumasakay rito at umuupo sa kaparehong upuan ngunit kailanman ay wala akong nakita na nagtangkang umupo rito.

Kahit puno ako ng pagtataka at katanungan sa aking sarili ay pinili ko na magpatuloy sa paglalakad papunta sa kaparehong upuan.

FloareTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang