Nung nalaman ko na crush mo din ako
Araw gabi nakangiti ang labi ko
Ikaw ang laging nasa isip ko
Hindi lang sa isip pati sa aking puso
Tuwing umaga ikaw ang nasa isip ko
Ginaganahan ako gumusing para sayo
Pag pasok ko sa school lagi ako naka ngiti
Lalo na pag nakita ko ang iyong ngiti
Ikaw ang aking naging inspirasyon
Kaya gumawa ng iba't ibang mission
Yung ay ang ingatan ka
At mahalin ka sa abot ng aking makakaya
Napansin ko na ako ay iniiwasan mo na
Di ko alam kung may problema ba
Sinabi ko may nagawa ba akong masama
Naisip ko kung ako'y mahal pa ba nya
Nalaman ko na lang na ako'y pinaasa
At pinaikot-ikot lang pala
Kala ko ako ang mahal nya
May mahal pala syang iba
