"February, punta ka sa game namin mamaya ah? Kailangan ka namin dun!" Aya sakin ng isang basketball player.
That's the 7th question I've been asked today. Ugh.
"I will, i will." Iritadong sambit ko.
Sinama ko yung kaibigan ko sa game nila, watching basketball ain't my thing but those dudes want me to watch.
"Kailangan kasi niya ng inspiration, alam mo naman yung gagong yun, ikaw lagi kailangan lalo na't this past few days bad trip siya."
Iyan yung lagi nilang rason, just because of that jerk. He liked me, well I don't. Makukulit lang talaga tong mga kumag na 'to.
Ang daming tao, pumunta na kami sa harap at nanood. Pumasok na yung dalawang team. August caught my attention, he was searching for someone. Dustin his friend tapped him and pointed me. Ngumiti si August sakin at kinindatan ako. Blanko ko lang siyang tinitigan pero sa totoo lang gusto ko ng ngumiti. What a handsome jerk. Tsk.
"Uy si August oh!" Kinikilig na sabi ng kasama ko, numero unong supporter ni August para sakin.
"Bago mo pa makita, nakita ko na." Kunwaring bored kong sabi at pinag krus yung kamay ko sa dibdib.
Nag-start na yung game, before playing, August looked at me and smiled. He even mouthed "Ang gwapo ko" at humalakhak. Ang kapal talaga ng kumag na'to. Pasalamat siya cute siya-wait, did I just say that he's cute?! Nevermind.
Bored lang akong nanonood, while the rest are enjoying lalo na yung katabi ko. Paano ako mag-eenjoy kung ang daming mga babaeng nagccheer sa kumag na yon. Nung nag break na ay sumulyap ako kay August, nakakunot yung noo niya habang may hawak yung phone.
May katext ata, palagi namang meron yan psh. Nagulat ako ng tumunog yung cellphone ko kaya tiningnan ko iyon.
August: Cheer for me please?
Di ko to pinansin dahil naiinis ako sa mga babaeng todo cheer dito. Itinago ko na yung phone ko. The next round went fine, although sometimes nawawala sa focus si August. Ang init ng labanan, the score is so close.
Medyo na excite ako sa nangyayare, nagkasiksikan pa sa gym dahil sa intense. Hawak ni August yung bola pero pinasa niya ito sa iba. Last 21 seconds ay pinasa sakaniya yung bola pero once again ay pinasa niya ito kay Pierce kung saan maraming nakabantay sakaniya na kalaban. Nananadya siya!
25-29 nangunguna yung kabilang team.
Pag punta nila sa bench nila ay binatukan siya ng coach nila, sumimangot lang siya at tinuro ako na para bang nagsusumbong. Bat parang kasalanan ko pa? Tumingin din sa gawi ko yung coach niya at natatawang umiling.
Kinuha ko yung phone ko ng may nag-text, once again its August.
August: Cheer for me :<
August: Ikaw sisisihin ko pag matalo kami :((
August: Yung iba nga chinicheer yung mga gusto nila :'(((
Me: Ang dami ng nagccheer sayo.
August: Hindi naman sila ikaw. Please cheer for me :'((((
Fuck those emoticon, di bagay sa isang tulad niya. Tatago ko na sana yung phone ko ng tumawag siya, tiningnan ko siya at nakita kong nakalagay yung phone niya sa tainga niya habang nakapaimaywang yung isa niyang kamay habang deretsong nakatingin sakin.
Sinagot ko nalang ng matahimik na siya, "Ano nanamanㅡ"
"Lipat kayo ng puwesto." Nagulat ako sa pag seryoso ng boses niya.
"What?" Naguguluhang tanong ko.
"Dito kayo malapit sa bench namin."
"Siksikan diyan!"
