Prologue

46 3 0
                                    

Prologue

"Bitawan mo ang anak ko Ronaldo!"sigaw ni Mama at binawi ang braso kong hawak ni Papa.Bigla-bigla na lang silang nag-away.

"You went too far,Keziah!"pabalik na sigaw ni Papa.

" 'Wag mo kong sisihin Ronaldo!You made me do this!"sabi ni Mama at binuhat ang maleta namin.

"Let's go Anna,"sabi niya at hinila ako palabas ng bahay namin.

Sa murang edad,hindi ko alam kung bakit sila nag-aaway at kung ano ang mangyayari sa'min.

Marami akong tanong.Katulad na lang ng;saan kami pupunta ni Mama,paano si Papa,anong mangyayari sa'kin?

"Keziah wait!Don't do this!"sigaw ni Papa at tumakbo para habulin kami.

Hindi ko alam ang nangyayari pero nasasaktan ako.

Mas lalong binilisan ni Mama ang lakad hanggang makalabas na kami ng bahay at sinalubong kami ng napakalakas na ulan.

Basang-basa na kami bago pa man kami makarating ng sasakyan.Halos umubo na ko sa ginaw.

"Get in,"utos ni Mama sa'kin na agad kong sinunod at pumasok ako sa backseat ng kotse.Umikot si Mama para sana pumasok sa driver seat ng maabutan siya ni Papa.

Wala akong naririnig na kahit ano dito sa loob pero base sa nakikita ko sa labas,nag-aaway parin sila.Kahit na nababasa ng ulan si Mama,alam kong umiiyak siya.

Tumingin ako sa langit.Gabi na at nakikita kong may mga pagkidlat pa dahil na rin sa bagyo.

Binalik ko ang tingin kay Mama at Papa,nakita kong hawak ni Papa sa braso si Mama pero nagpupumiglas siya.Itinulak niya si Papa bago pumasok na ng tuluyan sa kotse at ni-restart na iyon.Nakita kong kumakatok pa si Papa sa bintana ni Mama pero hindi niya ito pinansin at tuluyan ng pinaandar ang kotse.

"M-mama,"mahinang tawag ko sa kaniya,nanginginig pa ang boses.

Yakap ko ang sarili dahil nanginginig na rin ako at hindi ko alam kung dahil ba sa pagkabasa ko sa ulan o sa takot sa mga nangyayari?

"Take this baby,"sabi niya at inabot ang isang towel sa akin na ginamit kong pangpunas.

"Mama,si Papa,"

Hindi niya ko pinansin sa sinabi kong 'yun.Nagulat na lang ako ng bigla siyang humagulgol na may kasamang pagsigaw.

"Aaaaaaa!"natakot ako sa inasta ni Mama dahil ngayon ko lang siya nakitang ganun.

"M-mama,"may panginginig sa boses na sabi ko.

"Fvck this bullshvt life!"sigaw niya pa at pinaghahampas na ngayon ang manibela.

Hinayaan ko lang si Mama na ganun at hindi na nagtanong.

Ewan ko pero parang may nagtulak sa'kin na tumingin sa likod ng kotse namin.

At doon nakita ko ang kotse ni Papa na sumusunod sa amin.Alam kong kotse 'yun ni Papa dahil 'yun naman talaga ang palagi naming ginagamit.

"M-mama,si Papa sumusunod sa'tin,"sabi ko at itinuro pa ang kotse ni Papa na sumusunod sa salamin.

Tumingin siya sa side mirror.

"Shvt!"sabi niya at muntik na kong mahulog ng biglang bumilis ang takbo ng kotse namin.

"I'm sorry Anna.Upo ka lang ng maayos diyan baby,"utos ni Mama at itinuon ang pansin sa pagmamaneho.

Naramdaman kong sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Napahawak pa ko doon dahil pakiramdam ko ay lalabas 'yun sa sobrang pagkabog.

"Anna baby,why are you crying?"biglang tanong ni Mama.

Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdamang basa iyon.Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Pero bakit?

"M-mama,natatakot po ako," 'yun na lang ang sinagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas-himas.

"Don't worry baby,everything will be fine,"paninigurado niya sa'kin.

Pero imbes na kumalma,lalo akong kinakabahan.

Saglit siyang tumingin sa'kin at ngumiti na sinuklian ko din naman.Pero dahil sa pagtalikod niyang 'yun,hindi niya napansin ang isang truck na pasalubong sa amin.

"Mama may truck!"

Naiwasan ni Mama ang truck pero huli na ng marealize niyang babangga kami sa isang puno.

Isang pagsabog ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

At hindi ko alam na sa araw na 'yun,I would start to question myself.Where place do I belong?

*Vote*

Place Where I BelongTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang